Sa layong pwersahin ang ex-girlfriend na makipagbalikan sa kanya, isang 20-anyos na binata ang nagpalalat sa Facebook Messenger ng sex video nila ng dating kasintahan.
Naaresto noong Huwebes sa Cebu City ang di kinilalang lalaki na nag-share din sa messaging app ng malalaswang larawan ng 19-anyos na babae, ayon sa Regional Anti-Cybercrime Unit in Central Visayas (RACU-7).
Sa panayam ng mga mamamahayag nitong Biyernes, sinabi ni RACU-7 chief Police Lieutenant Colonel Artemio Ricabo na ginawa ng suspek ang pagpapakalat ng video at photos matapos na tumagging ang babae na magkabalikan sila.
“They were ex-lovers but the male was desperate to win his ex-girlfriend back,” ayon kay Ricabo.
Pero ayaw na umano ng babae na makipagkasundo pa sa dating nobyo na inirereklamo ng dalaga ng pananakit.
“So, he threatened to upload their videos if she will not see him in a meeting place that he has identified,” ani Ricabo.
“He started blackmailing her last September by sharing some of the lewd videos and photos of his ex-girlfriend to his friends via Facebook Messenger,” wika pa niya.
Sa pagkakataong ito ay humingi na ng tulong sa mga awtoridad ang babae at pamilya nito.
“The victim and her family sought help with the police when he attempted to do another round of blackmailing and share more of her intimate videos. As a result, we conducted an entrapment operation last December 3 in Barangay Tisa, Cebu City,” paliwanag ni Ricabo.
“The victim agreed to meet with him near a bakeshop as part of our operation,” dagdag niya.
Arestado sa entrapment operation ang lalaki noong Disyembre 3 at kasalukuyan itong nasa kustodiya ng pulisya at nahaharap sa mga kasong grave coercion at paglabag sa anti-cybercrime at anti-violence against women and their children laws, ayon pa kay Ricabo.