SB19 ika-6 sa Social 50 Artists sa year-end chart ng Billboard

 

 

Nasungkit ng Pinoy pop group na SB19 ang ika-anim na pwesto sa Social 50 Artists ng Billboard sa 2020 year-end chart nito.

“Ang SB19 ay bago, sumisikat na boy band na nakabase sa Maynila na umaani ng international fanbase sa social media na siyang tumulong para mapabilang sila sa Social 50 at iba pang charts,” ayon sa Billboard.

Nanguna sa listahan ang South Korean boy band na BTS, pumangalawa ang South Korean-Chinese group na Exo, pangatlo ang South Korean boy band na NCT 127, pang-apat ang American singer na si Ariana Grande, at pang-lima ay isa uling South Korean boy band, ang SEVENTEEN.

“Last week, SB19—which stands for Sound Break 19—hit their highest mark yet on the Social 50 at No. 15 on the chart, rising just ahead of longtime Social 50 mainstay including Selena Gomez, Louis Tomlinson, BLACKPINK and fellow boy band GOT7,” ayon pa sa writeup ng Billboard.

Umani ang P-pop band ng 1.2 million Twitter mentions, 193,000 Twitter reactions at 7,000 followers sa kanilang @SB19Official account, ayon sa Billboard. Samantala, nakakuha naman ito ng 10,000 bagong Facebook page likes at 3,000 Wikipedia views.

Ito ay bagay na ikinatuwa ng grupo.

“Thank you for the recognition, Billboard. And of course, to our beloved A’TIN, thank you for all of the unimaginable plot twists in our life. Too grateful to have you. Stay amazing, guys! ” wika ng SB19 sa kanilang Facebook page.

Ang SB19, na nag-debut sa music industry noong 2018, ay binubuo nina Josh, Sejun, Stell, Ken, at Justin.

Sila ang kauna-unahang Pinoy band na sinanay ng isang Korean entertainment company.

 

Read more...