Direktor tinamaan ng COVID pero itinago sa production; cast members galit na galit


IMBIYERNA ang cast ng isang movie sa kanilang director.

Nakapag-shoot na ng ilang araw ang mga celebrities sa bagong movie nang malaman nilang nag-positive sa COVID-19 test ang kanilang director.

With this, lahat ng nakasama na artista at maging production crew ng director ay sumailalim sa quarantine. Nahinto siyempre ang shooting.

With that, galit na galit daw ang mga artista dahil hindi agad nagsabi ang director na positive siya. Kung nalaman lang daw nila, hindi na lang nila tinanggap ang project at ibang movie na lang ang kanilang ginawa.

Relatively new pa ang director. Wala pa siyang masyadong napatutunayan sa mundo ng showbiz.

* * *

Hanggang saan ang magagawa ng isang public servant sa pagsisilbi sa kanyang  constituents?

Para sa Palayan City Mayor na si  Rianne Cuevas, going beyond what’s required is what leadership is all about. Ito ang kanyang kinuwento sa King of Talk na si Boy Abunda sa The Boy Abunda Interview Specials na mapapanood sa Dec. 5, 9:30 p.m. sa ANC habang ang second part will air on Dec.12.

Bilang selebrasyon ng 55th Founding anniversary ng Palayan,  nagbalik-tanaw si Mayor Cuevas sa mga panahon super enjoy ang mga Palayanos sa kanilang isang linggong selebrasyon.

From motocross competition, job fairs to disaster preparedness contest and variety shows, this year, sa gitna ng pandemic, ipinaliwanag ni Mayor Cuevas na magiging simple na lang ang celebration ng Palayanos but it will still be meaningful and heartfelt.

Sa interview ni Boy, ipinaliwanag rin kung paano ang response ni Mayor Cuevas sa COVID, sa bagyo at iba pang challenges. Programs like  relief operations, housingprojects,  disaster preparedness, medical  assistance  program & job  opportunities will also be discussed.

Moreover, sinagot din ng mayor kung paano niya hina-handle ang kanyang kritiko at kung paano niya ina-address ang masalimuot ng mundo ng politika.

Read more...