Linya ng bata | Bandera

Linya ng bata

Joseph Greenfield - August 27, 2013 - 07:00 AM

Sulat mula Lina, ng  Ma-a District, Davao City
Dear Sir Greenfield,
Wala pa rin kaming anak ng asawa ko sa kabila na anim na taon na kaming nagsasama. Nagtataka na ako kung bakit hindi ako nabubuntis.
Nagtataka rin ang aming doktor dahil wala naman siyang nakitang diperensiya sa akin.  Nais kong malaman kung may pag-asa pa kaya akong mabuntis at magka-anak. At kung sakaling may pag-asa pa, kailan naman kaya kami magkakaanak? February 12, 1978 ang birthday ko at January 2, 1975 naman ang mister ko.
Umaasa,
Imelda, ng Barangay Manjagao, Surigao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Meron kang dalawang linya ng bata (Illustration 1. arrow 1. at 2.) na malinaw na nakikita sa iyong palad, tiyak ang magaganap sa takdang panahong inilaan ng kapalaran – magkaka-anak na rin kayo sa wakas ng mister mo.
Ang mahalaga, magtalik nang magtalik, at umasang darating ang panahong makakabuo rin kayo upang makumpleto na ang ligaya ng inyong pamilya.
Cartomncy:
Three of Clubs, Jack of Hearts at Four of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taon ito ng 2013 hanggang 2014 sa edad mong 36 pataas, isang malusog at cute na lalaking sanggol ang isisilang.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending