Tambalang Grae-Kira young version nina John Lloyd at Bea: Totoo ang kilig, hindi pilit

“YOUNG version ng Bea Alonzo-John Lloyd Cruz loveteam!”
Yan ang isa sa mga comments ng fans and social media supporters ng tambalang Grae Fernandez at Kira Balinger na napapanood sa Kapamilya series na “Ang Sa Iyo Ay Akin.”

Marami ang nagsasabi na nakikita nila sa young screen couple sina Bea at Lloydie noong nagsisimula pa lang ang kanilang loveteam sa ABS-CBN.

In fairness, nang humarap sa entertainment media sina Grae at Kira sa nakaraang virtual presscon ng “Ang Sa Yo Ay Akin” ay naramdamam din namin sa kanila Lloydie-Bea feel, lalo na kapag nagtitinginan at nagkakatawanan na ang dalawa. Kumbaga, totoong-totoo ang kilig hindi pilit.

Una nang nagkasama sina Grae at Kira sa comedy series na “Funny Ka, Pare Ko” at sa iWant digital series na “Spirits Reawaken” noong 2018.

“I’m very thankful din sa nangyari sa amin dito sa show na ito and yung naisip ko kasi actually na hindi ko in-expect na magkaka-show ako this year or anything because of the pandemic nga.

“Tapos biglang may ganitong napakagandang show na napakaganda ng storya. For me it’s a very great story talaga and me and Kira talaga I think we’re doing our best to give the best quality things we can give to the characters and we’re very thankful na na-a-appreciate naman ng mga tao yung characters namin and very thankful kami du’n,” pahayag ni Grae.

Diretsahan namang sinabi ni Kira na feel na feel na niya ngayon ang kilig kapag magkaeksena sila ni Grae kaya naman mas nagiging natural at makatotohanan ang bawat scene nila sa serye.

“It’s very humbling and it’s very overwhelming at the same time. Personally, from my experience, when I’m acting with Grae, na-fi-feel ko yung kilig.

“Pero when I’m watching yung eksena namin sa TV, yun mas na-fi-feel ko. So to have them say that we’re the next big love team, it makes me feel very blessed and I’m very happy to be partnered with Grae for this show,” chika pa ng dalaga.

Natanong din ang Kapamilya loveteam kung paano sila nakaka-relate sa mga role nila sa “ASIAA”, sabi ni Grae, “Yung character ni Jake more of masunurin. Masunurin din naman ako pero more on collaboration and parang I have to speak out my point of view first bago ko marinig yung point of view ng parents ko.

“Siyempre I have to weigh kung bakit yun na yung nararamdaman niyo at yung nararamdaman ko kailangan ko i-explain sa kanila.

“So kailangan talaga ng more communication. That’s the key talaga para malaman natin kung anong compromise ang puwede nating magawa,” sabi pa ng binata.

Pahayag naman ni Kira, tulad ng role niya sa serye gusto rin niyang maging mabuti at masunuring anak sa tunay na buhay, “Generally speaking, lahat naman tayo gusto maging mabuting anak.

“So we always want to do what makes our parents happy. But there are times na yung bagay na yun na magpapasaya sa parents natin, hindi yun para sa atin.

“So I guess kailangan talagang pag-usapan at maging open and as long as whatever you want to do that would make you happy doesn’t put you in danger, doesn’t hurt anybody, you can bring it up with your parents. Wala namang harm yun,” lahad pa ni Kira.

Read more...