Putin inimbitahang muli ni Duterte na bumisita sa Pilipinas

 

Muling inimbita ni Pangulong Rodrigo Duterte si Russian President Vladimir Putin na bumisita sa bansa.

Ginawa ng pangulo ang imbitasyon matapos magpresinta kahapon ng kaniyang credentials si Ambassador Marat Ignatyevich Pavlov bilang bagong ambassador ng Russia sa Pilipinas.

Ayon sa pangulo, oras na matapos na ang problema sa pandemya sa COVID-19 ay makabisita sana si Putin sa Pilipinas para sa ika-45 anibersaryo ng diplomatic relations ng dalawang bansa sa susunod na taon.

Sinabi ni Duterte na napakabuting kaibigan ng Pilipinas ang Russia at nakatuwang sa defense and security, health, science and technology at pagpapalago ng ekonomiya ng dalawang bansa.

Ipinagpasalamat din ni Duterte sa Russia ang alok na bakuna kontra COVID-19 na Sputnik V at kagustuhan nitong maibahagi ang kanilang kaalaman sa teknolohiya hinggil sa vaccine production.

Matatandaang makailang beses nang inimbita ni Duterte si Putin na bumisita sa bansa.

Read more...