Ito ang naisip na paraan ng beauty queen para ipaalala sa madlang pipol na walang perpektong tao at lahat ay may kani-kanyang kapintasan at pagkukulang.
Sa pamamagitan ng Instagram, ipinost ni Catriona ang kanyang selfie photo at ipinakita sa milyun-milyong netizens na hindi rin siya flawless tulad ng mga ordinaryong tao.
Ipinagdiinan pa ng dalaga na okay lang ang magkaroon ng imperfections dahil tao lamang tayo. Ang mahalaga ay ang pagtanggap natin sa mga ating mga kapintasan at kung paano ito magsisilbing inspirasyon para mas maging mabuti tayo sa sarili at sa ating kapwa.
“Hi! I am just jumping on here with a bare-faced selfie to remind you that even though in photoshoots, makeup, and IG story filters, my skin looks ‘flawless’…
“In reality, I have pores, oiliness, fine lines, breakouts, beauty spots, and moles… and I’m perfectly fine with that,” bahagi ng caption ng girlfriend ni Sam Milby.
Dadgag pa ni Cat, “This is just a kind little reminder to remember that what we see online is a ‘curated feed,’ and that we shouldn’t compare that to our everyday reality. #AsSheIs.”
Ang nasabing IG post ng dalaga ay bilang bahagi pa rin ng kanyang pagsuporta sa #AsheIs online movement na nagpapaalala sa mga kabataang babae na hindi lang tungkol sa pagandahan at pabonggahan ang mundo ng social media.
Ang pinakamahalaga pa rin ay ang pagpapakatotoo at pagiging responsable sa paggamit ng socmed.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-post ng kanyang litrato si Catriona sa IG para ipakita ang kanyang tunay na itsura kapag wala nang kolorete sa mukha.
“This is the skin I wake up every day. I love playing with makeup and being glam, but I’ve also grown to love the skin I wake up in acne scars, moles, and all.
“I too have days where I don’t feel confident, or my insecurities are louder… but that’s okay. Loving yourself as you are is a journey, but it’s a journey worth taking,” mensahe pa ni Catriona sa madlang pipol.