4 na bida sa ‘Four Sisters Before The Wedding’ umaming inaatake ng matinding pressure, pero…

MAAGANG Christmas gift ng Star Cinema para sa mga Pinoy ang kanilang latest offering na “Four Sisters Before The Wedding”.

Ito ang prequel ng blockbuster at maituturing na ring classic movie na “Four Sisters And A Wedding” na humataw sa takilya noong 2013 at idinirek ni Cathy Garcia Molina.

Bago nga matapos ang 2020, malalaman na ng madlang pipol ang naging buhay ng Salazar sisters noong mga bata pa sila at kung anu-ano ang pinanggagalingan ng kanilang mga hugot.

Muling maiyak, ma-inspire at matawa kasama ang iconic Salazar siblings na bibigyang buhay this time ng apat sa most promising young stars ng Kapamilya Network: sina Alexa Ilacad (Bobbie), Charlie Dizon (Teddie), Gillian Vicencio (Alex) at Belle Mariano (Gabbie).

Kasama rin dito ang dating child star na si Clarence Delgado na gaganap bilang bunsong kapatid na si CJ.

Makakasama rin dito sina Carmina Villaroel at Dominic Ochoa bilang magulang ng Salazar sisters.

Sa original movie, ang gumanap na magkakapatid ay sina Bea Alonzo (Bobbie), Toni Gonzaga (Teddie), Angel Locsin (Alex) at Shaina Magdayao (Gabbie). Ang mga character naman nina Mama Grace at CJ ay binigyang-buhay noon nina Coney Reyes at Enchong Dee.

“Kakayanin ko!” ang chika ni Alexa nang mapili bilang young Bobbie.

For Charlie naman, playing as young Teddie is “nakakakilig and nakaka-pressure at the same time.”

Sey naman ni Gillian bilang young Alex, “Masaya at kinikilig ako. Pero habang binabasa ko rin ‘yung script, kinakabahan din ako.”

“Very honored and at the same time, pressured, kasi napaka-iconic nu’ng movie,” sabi naman ni Belle.

Ka-join din sa cast ng “Four Sisters Before The Wedding” sina Irma Adlawan, Kakai Bautista, Cai Cortez, Jameson Blake, Joao Constancia, Pinky Amador, Minnie Aguilar, Boom Labrusca, Jenny Miller and introducing Jeremiah Lisbo and Gigi de Lana.

“Four Sisters Before The Wedding” streams worldwide beginning December 11 via KTX.ph (ktx.ph), iWantTFC (iwanttfc.com), TFC IPTV, Cignal PPV (my.cignal.tv), and Sky Cable pay-per-view (mysky.com.ph). This is distributed by CineXpress.

Read more...