Bagyong Nando, heto na


BAGYO na ang low pressure area na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronmical Services Administration at pinangalanan itong Nando.

Nagbago ang tinatahak na direksyon ni Nando kaya hindi na direktang tatama sa lupa pero palalakasin nito ang hanging habagat, na magbabagsak ng maraming ulan sa malaking bahagi ng bansa.

“Moderate to heavy” ang ibabagsak na ulan sa 300 kilometrong radius mula sa sentro ng bagyo.  Kahapon, namataan ang bagyo 290 kilometro sa silangan ng Borongan City.

Ngayong umaga inaasahan na nasa layong 270  kilometro ito sa Virac, Catanduanes. Ang bagyo ay may lakas na 45 kph at umuusad pa-hilaga sa bilis na 13 kph.

Samantala, nananatiling bukas ang dalawa sa siyam na dam sa Luzon para ilabas ang sobrang tubig, ayon sa ulat ng Radyo Inquirer 990AM.

Nananatiling bukas ang mga gates ng Ambuklao at Binga  sa Benguet.  Kahapon ng umaga, ang level ng tubig sa Ambuklao ay 751.38 metro, ayon sa status report ng PAGASA.

Ang level sa Binga ay 574.4 metro, mas mababa sa pinakamataas nito na 575 metro.

Read more...