FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA kahapon tungkol sa maling hinalang may COVID-19 si Aiko Melendez habang nasa lock-in taping ng teleseryeng “Prima Donnas” ng GMA.
Kaagad dinala ang aktres sa hospital para i-swab test kasama ang direktor nilang si Gina Alajar at ilang production staff ng programa — negatibo naman ang resulta bagay na ikinatuwa ng lahat.
Pero may mga hindi naniniwalang negatibo ang COVID-19 test ni Aiko, kesyo itinago lang daw ang totoo para matapos nito ang natitirang two shooting days ng “Prima Donnas.”
Ayon kay Aiko, “Ate sendan kita ng negative result ko kasi ang dami na nag message akala nila pinipilit lang ako ng GMA to work, okay talaga ako wala naman akong fever lost my sense of taste kasi me colds at tonsilitis ako.
“Kaya ganu’n, but other than that wala na it must be fatigue also ate since I’m working almost everyday isang araw lang day off ko,” paliwanag ng aktres.
At habang sinusulat namin ang balitang ito ngayong araw, Martes ay hindi na namin makausap si Aiko dahil nagtatapos na sila ng mga eksena nila sa serye. Ngayong araw na kasi ang last taping day nila.
Sakto, may post ang aktres ng group picture nilang lahat sa set ng programa.
“And we are the #primadonnas Family!!!. As we come to the end of our Lock-in taping, I would like to take this chance to thank the hardworking staff and crew of our Show. Thank you!
“There were times we were at the edge of giving up because of the pressure of working in a pandemic situation. Lock-in taping is never easy, you are away from your family.
“But these people I am with in this picture, made this taping an environment full of fun and unity! I appreciate the fact that despite our busy schedule we still can manage to squeeze in our Worship day to offer and lift it all up to The Lord.
“Thank you to my momma our director @ginalajar who took out the responsibility of being our 2nd mom on the set. To my co actors! Thank you! Not sure if book 2 is still in the works, but let me assure you whether there is or wala.
“This relationship we built is something I will treasure for the rest of my Life. I hate goodbyes. Only later! To ms @redgynn Thank you might be a simple word but it means a lot to me.
“Salamat for being the captain of the ship! For being the leader we needed on the set. Fun and easy to deal with! Mahal ka namen.
“As we end our lock-in taping now. Kendra might take a bow for now. Her evilness will end today but our viewers will still see us till next year!
“So sana watch pa din kayo! It has been a great honor and blessing to be working with my Kapuso network who made me feel so loved considering iam not under contract.
“But you babied me and made me feel so special @gmanetwork Malay n’yo naman eto na un ahaha! Direk @ayatopacio thanks for the guidance! I appreciate it! Sir @erwyn08 ms @ysai_hilario21 salamat for caring lalo na when I got sick!
“I will not forget that its etched in my heart! To sum it all You will all be missed. Until our next who knows. Kendra signing off today from taping.”
Samantala, pinasalamatan nang husto ni Aiko ang direktora nila sa “Prima Donnas” na si Gina Alajar dahil ito ang kasama niyang pumunta sa hospital at talagang panay ang check sa kanya dahil alalang-alala ito sa kanya.
Naging ka-loveteam noon ni direk Gina ang tatay ni Aiko na si Jimi Melendez kaya nag-post siya ng lumang litrato ng dalawa at biniro pa nito ang mommy niyang si Elsie Castaneta.
Caption ng aktres sa larawan, “Bago pa ang Kathniel and Lizquen Papa Jimi ko muna and si Direk Tuding Alajar ang magka-partner on screen. Bagay sila aminin!
“I’m very open and so as my mom Elsie Castaneda na dapat s’ya na lang ang step mom ko. Eh di sana me libre akong acting tips lagi ahhahahaha.! Hays papa naman, natorpe pa! #flashback.”
Ibinuking pa ng aktres na tagahanga ni direk Gina ang nanay ni Aiko, “Di ba mama Elsie fan ka ni direk gusto magpunta sa set para sa picture with direk kaso bawal lumabas mama. So mama reminisce ka na lang muna sinong agree bagay sila (Jimi at Gina).”