Direktor ng ‘Four Sisters Before The Wedding’ na-pressure: Tama ba yung desisyon kong tanggapin ‘to?

NGAYON pa lang ay marami na kaming nakakausap na talagang panonoorin nila ang prequel ng blockbuster Star Cinema movie na “Four Sisters And A Wedding.”

And yes, isa na rin kami sa mga nag-aabang ng “Four Sisters Before The Wedding” na pagbibidahan naman ng apat sa most promising teen stars ng ABS-CBN at sa direksyon ni Mae Cruz Alviar.

Isa sa mga all-time favorite namin talaga ang “Four Sisters And A Wedding” nina Toni Gonzaga, Angel Locsin, Bea Alonzo at Shaina Magdayao. In fact, ilang beses na namin itong napanood pero hindi hindi namin siya pinagsasawaan.

Kaya nga excited na kaming mapanood ang prequel nito kung saan bibida sina Alexa Ilacad bilang si Bobbie (ginampanan ni Bea), Charlie Dizon as Teddie (played by Toni), Gillian Vicencio bilang si Alex (ginampanan noon ni Angel) at Belle Mariano as Gabbie (karakter ni Shaina).

Kahapon, sa ginanap na virtual mediacon ng pelikula, inamin ni Direk Mae na “intense pressure” ang naramdaman niya nang tanggapin niya ito lalo pa’t kasagsagan yun ng franchise renewal issue ng Kapamilya Network.

“At that point, high ang emotions ko talaga that any project, whatever you give me, just so I could do my part to help, just so I can help create new content for the company, go, kung ano man iyan. So nu’ng sinabi ni Inang, sabi ko yes, go,” simulang pahayag ng direktor.

“Noong tapos na yung call, nu’ng ilang days na, nag-sink in sa akin kung ano ba itong pinasok ko. Tama ba yung decision ko na tanggapin yung project, eh ‘Four Sisters’ iyan. Come on, napakalaking pelikula. Up to this day, it’s so relevant still. Hindi mamatay-matay yung popularity niya. It’s such a classic film,” sabi pa ni Direk Mae.

Patuloy pa niya, “This is the first project that I did during the pandemic. Major adjustment siya for me because time is of the essence.

“We only had limited shooting days, unlike before na we had double the number of shooting days. We had limited shooting hours as well. There’s no time for asking questions, for delays, nothing like that,” paliwanag pa niya.

Aniya pa, “The focus is to really isipin what will motivate me, what will motivate the team and everyone. I think we achieved that naman because we are happy with the output.

“We are happy sa naging samahan namin on set and the way we did it. Ang pressure, we set it aside and we all worked hard together to come up with this beautiful team,” lahad pa ng lady director.

Feeling din ni Direk timing din ang pagpapalabas nito ngayong panahon ng pandemya. Punto niya, “We are reminded of what is essential in life and that is family.”
“Ang Filipino pa naman, makapamilya. Especially now that Christmas is approaching, we are reminded that in spite of the losses, in spite of the pain that we have encountered or experienced this 2020, what is essential is love.

“It’s something that you cannot take away. It’s something that doesn’t have a price tag on. It’s something that we should value. Mawala man lahat sayo, ang pamilya mo nandiyan or should be nandiyan.

“Also, that love is something that you can receive or give to others even if we have nothing materially,” dagdag pang paliwanag ni Direk Mae.

Mapapanood na ang “Four Sisters Before The Wedding” worldwide simula sa Dec. 11 via KTX.ph, iWantTFC, TFC IPTV, Cignal PPV and Sky Cable pay-per-view. Kasama rin sa movie sina Carmina Villaroel at Dominic Ochoa.

Read more...