MALALIM ang hugot ng young singer na si Elha Nympha sa break-up nila ng aktor at recording artists na si Brian Gazmen.
Unang ibinalita ni Brian ang paghihiwalay nila ni Elha sa kanyang Twitter account at sinundan pa ng isang TikTok video na inilabas niya kahapon.
“So a lot of people are asking, ‘break na ba kayo?’ I just have one answer. It is sad to say po na break na po kami ni Elha Nympha,” ang rebelasyon ni Brian.
Aniya pa, “Masyado pong mahaba ‘yung istorya ng pag-break namin. Hindi po kakayanin ng isang TikTok video pero ‘yun po ang totoo.”
Binasag naman agad ni Elha ang naging pahayag ni Brian sa pamamagitan ng kanyang Instagram Stories at sa tono ng mensahe ng dalaga, mukhang hindi naging maganda ang break up nila.
Wala siyang binanggit na pangalan pero naniniwala ang kanyang mga fans na sagot niya ito sa TikTok video at tweet ni Brian.
Hugot ni Elha “Ay sad ka pala hahahaha. Wag po tayong pa victim. Pwede ako magsabi ng totoo. Still using me pa rin? May pahabol. Dami likes and shares. Na ol na lang.”
One-liner hirit pa ng singer, “The audacity.”
Nito lang nakaraang Agosto nang ibandera nina Elha at Brian sa madlang pipol ang kanilang relasyon. Idinaan pa ni Brian sa IG ang sweet message niya para kay Elha na pinusuan at ni-like ng netizens.
“Hello to the love of my life, you don’t know how happy I am to be your boyfriend and how lucky I am that you’re my girlfriend.
“I am so happy that you came in to my life. You make me smile every single day, you make me become a better person.
“You are amazing baby. You are special, that is why I’m proud to tell the whole world that you are my girlfriend, the love of my life because I have never seen a girl like you in my life.
“You are perfect in my eyes. I love you so much baby. I will always be here by your side, supporting you and trying to make you smile,” pahayag pa ng binata.
Sa ngayon burado na ang nasabing post sa Instagram page ng singer.