Neri Naig may tatak-Harvard na: Sulit lahat ng puyat, pag gusto, gagawa talaga ng paraan

MAKALIPAS ang halos apat na buwan nang pagsisikap at ilang gabing walang tulog, nakumpleto na rin ni Neri Naig ang entrepreneurship program sa Harvard University.

Ibinandera ng actress-businesswoman ang bagong achievement sa kanyang Facebook account kung saan ipinakita pa niya ang nakuhang certificate mula sa Harvard.

Dito nga nakasaad na natapos at nakumpleto na ng misis ni Chito Miranda ang Entrepreneurship Essentials program sa Ivy League School.

Mensahe naman ni Neri, “Sulit lahat ng puyat. Never stop learning. Kapag gusto, gagawa talaga tayo ng paraan.”

Ibinahagi rin niya ang sinabi ni Chief Executive Officer of alumni engagement company Alumnify na si AJ Agrawal para mas marami pa siyang ma-inspire lalo na ang mga tulad niyang working mom.

“Sabi nga ni AJ Agrawal, CEO ng Alumnify, ‘The best entrepreneurs in the world don’t act like they know everything.

“They all understand the fact that they have to continuously learn to be successful. For us to live life to the fullest, we must continually look for ways to improve.

“When we are looking to learn as much as possible, there’s less of a chance that we will come off as arrogant. True charmers don’t make themselves look smart, they make others look smart,’” bahagi pa ng FB status ng aktres.

Noong Agosto, ibinalita ni Neri na nag-enroll siya sa Harvard Business School, “Walang excuses dapat. Paano ko malalaman kung para sa akin kung hindi ko susubukan, [‘di] ba?

Bago ang pagtatapos ni Neri, super proud din niyang ibinahagi sa social media ang balitang nai-feature siya sa Harvard Business School’s Online social media page.

Naka-post doon ang litrato ng celebrity mom na kuha sa napakagandang rest house nila ni Chito sa Cavite.

“It’s always nice when you can study in a beautiful location like @mrsnerimiranda! #StudyAnywhere #OnlineLearning,” ang caption ng HBS sa nasabing post.

Ni-repost naman ito ni Neri sa Instagram na may caption na, “Ay! Si Harvard na mismo ang nagpost n’yan ha!

“Ina-acknowledge nila na estudyante nila ako… Mommmmmmy! Taong tao na ako! May tatak Harvard na oh!” birong sey pa ni Neri.

Siguradong proud na proud na naman ang asawa niyang si Chito sa kanyang latest achievement.

Read more...