Resbak ni Nadine sa basher na nangnega kay James: Utot mo blue!

BASAG na basag na naman ang mga bashers kay Nadine Lustre, lalo na ang mga netizens na gumagamit ng fake accounts.

Muling nakatikim kay Nadine ng matinding “one-liner” ang mga haters nang mag-comment siya sa isang Instagram photo ni James Reid kasama ang kapatid na si Lauren Reid at ilang kaibigan.

Sa IG post ng kaibigan nina Nadine at James na si Lux Fisch, makikitang nagba-bonding at nagkakasayahan ang kanilang tropa.

Ang nakalagay na caption sa photo ay, “What a lovely Friendsgiving dinner! An incredible success with great food and great conversation.

“Eating with like minded people, exchanging thoughts, laughing, it’s the simple things that really make for the best memories. (wine emoji) to the fun side of adulting.

“Can’t wait for the next one. Btw, @laurenreidabook needs her own cooking show!!! Let’s make it happen universe. Her pecan pies were so addicting.”

Nag-react si Nadine sa nasabing post, “uhm… I was actually invited. #jokesonUlol #2020namagbagokana.”

As usual, may mga nang-intriga na naman kina James at Nadine dahil lang sa simpleng comment ng award-winning actress kaya naman sinunog agad sila ng dalaga.

Hirit ni Nadine, “Haters who use fake accounts don’t have balls. #sadlayf.”

“Also, If you sh*t on other people, you are NOT my fan. No exceptions. We don’t welcome hate in our house,” matapang na reaksyon pa ng dalaga.

May isang netizen naman ang nag-react sa post ni Nadine. Anito, “@nadine try to ask @james kung meron din ba siyang balls (laughing emoji) #desperate.”

Ang simple pero tagos na tagos na resbak naman sa kanya ni Nadine,  “Utot mo blue.”

Marami ring JaDine fans ang nagtanggol sa Kapamilya actress sabay kuyog sa mga trolls na walang ginawa kundi mangnega sa social media.

May ilang netizens naman ang nagpayo sa dalaga na dedmahin na lang ang mga bashers lalo na yung mga gumagamit ng pekeng identity na halos wala pang followers kaya alam mong gumawa lang ng account para mam-bully at mangharas.

Read more...