Kitkat at mister niya, namilipit sa sakit ng tiyan

Mula sa Facebook page ni Kitkat Favia

Nag-post ngayong umaga ang TV host/actress na si Kitkat Favia na namimilipit siya sa sakit ng tiyan. Duda niya ay na-food poison sila sa pagkain ng seafoods kagabi na ipinadala sa kanila.

Ang FB post ni Kitkat, “Iluluwa ko na kaluluwa ko kaka-suka at nais ko nang alisin intestines ko sa sakit ng tyan ko, doble-doble hilo ko at ‘yung pupu ko parang umiihi din. Food poison kaming mag-asawa, ano gawin namin ayaw namin ng ospital, suka, pupu tubig, super sakit tyan at hilo kami.”

Nanawagan din ang aktres sa mga kaibigang duktor, “Lahat kaming tao dito sa bahay. Help po sa mga friends naming mga Doctor po. Kumain po kami kagabi ng seafoods.”

At dahil ayaw magpadala sa hospital si Kitkat at asawa niya dahil sa pangamba sa Covid-19 pandemic kaya humihingi siya ng payo ng doctor.

Sinabihan din namin na uminom muna ng Pocari Sweat para hindi ma-dehydrate at um-oo naman.

“Opo nagp-Grab na po tsaka reseta ni Doc kaka-trauma lahat kami,” sagot sa amin.

Sinagot naman daw lahat ng  nagpadala ng seafood ang lahat ng nagastos nila sa gamot at consultation fee.

“Opo, s’ya po magbabayad nu’ng mga gamot,” say ni Kitkat.

Pinayuhan din naming magpahinga at puro steam lang muna kainin para makabawi.

“Opo, thank u hooooh grabe eto di ko to makakalimutan hooooh,” saad ng Happy Time host.

Hindi naman kami nasagot ni Kitkat kung nag-absent siya o may advance taping sila ng noontime show na Happy Time na napapanood sa NET 25 handog ng Eagle Broadcasting Corporation.

Read more...