Rabiya mas tumapang pa: Akala nila when they say bad things about me, masisira ako…

WALA nang epek kay Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang patuloy na pamba-bash at pangnenega sa kanya ng mga taong walang ginawa sa buhay kundi ang manira.

Ayon kay Rabiya, lahat ng nababasa at naririnig niyang paninira ay ginagamit na lang niyang inspirasyon para mas lalo siyang magpursige sa buhay at makamit ang kanyang mga pangarap.

Hindi na rin daw niya sineseryoso ang mga taong nagsasabi na wala siyang karapatang maging representative ng Pilipinas sa Miss Universe 2020 pageant.

“I’m gonna be honest about it. I’m not yet in my best fighting form and I really need to work hard to become a better candidate,” ang pahayag ni Rabiya nang makachikahan ng mga kapwa beauty queen na sina Pia Wurtzbach, Bianca Guidotti at Carla Jenina Lizardo sa kanilang vlog na “Queentuhan”.

Sey pa ni Rabiya, “Sabi nga nila, now with the doubt of a lot of people, it polishes me, e. And sabi ko nga, natutuwa ako, ang akala ng iba, when they say bad things about me, nasisira ako.

“But no, I can build myself from criticism. I can do better. I know myself. I know my body. And now, I’m very excited to start my training,” matapang na pahayag pa ng dalaga.

Maraming nagduda sa pagkapanalo niya pero mas marami ang naniwala na deserving si Rabiya na koronahan bilang Miss Universe Philippines 2020.

Matindi ang tinanggap na batikos ng dalaga mula sa ilang netizens matapos ang pageant, paano kaya niya hinarap ang lahat ng ito?

“At first, it was hard, kasi dati you were just a fan. Ikaw lang sumu-suppport, nakakakita ng comments na bad or positive. And now, sa iyo na nangyayari.

“But then, at the end of the day, you have to surround yourself with those people who want you to win. Yun talaga, e.

“Minsan as a public figure, people are gonna throw stones at you and you can’t do anything to stop them,” paliwanag ni Rabiya.

Aniya pa, “Kaya you have to put your energy at the right place. Huwag ka na mag-aksaya ng oras sa mga taong negative lang gustong dalhin sa buhay mo.

“Ngayon talaga, hindi na ako nagbabasa ng social media just to be safe. Dati kaya ko pa, e. Nung Miss Iloilo City pa lang ako sa Miss Universe Philippines.

“Pero ngayon, you have to have peace in your mind. And mangyayari lang yun kapag hindi ka nagbabasa,” lahad pa ng beauty queen.

Read more...