KINUWESTIYON ng ilang netizens ang tunay na motibo ng ginagawang relief mission ng beauty queen na si Michele Gumabao sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyo.
Ito’y matapos ngang mabalita na mas pinili na lang ng dalaga na mamigay ng relief goods sa typhoon victims kesa um-attend sa isang TV guesting kasama ang iba pang winners sa 2020 Miss Universe Philippines.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Michele ang kanyang litrato habang nagbabahagi ng relief goods sa isang lugar sa Isabela kasama ang kapatid na si Marco Gumabao at ilang kaibigang volunteers.
Sa inilagay niyang caption, alam daw ni Michelle na may mga nang-iintriga sa tunay na motibo ng ginawa nilang pagtulong sa mga biktima ng bagyong Ulysses.
“A lot of people have been questioning my motives for coming up here just because I missed a guesting of the MUPH queens on TV!” simulang pahayag ng beauty queen at volleyball player.
Aniya pa, “Our goods were scheduled to be brought to Isabela and distributed by volunteers just because may scheduled guesting ako on Sunday.
“But due to multiple relief operations [kahit negative ako sa swab], my handler and the show decided for the safety of everyone.
“Hindi ako kasama because of the exposure from my relief operations,” ang paglilinaw pa ni Michelle sa mga nagdududa.
“Sanay na ako sa mga issue on social media and as I said before, basta ako lang i-bash n’yo, okay lang.
“But, when it involves our organization, I have to clear this up because so many people trusted and donated their hard-earned money for the victims of Typhoon Ulysses, and I will personally see our operations through!
“I will not allow your drama to taint this initiative and all the people who worked hard to make this happen.
“If you have any questions with attendance, you can ask those who invited us to their programs.
“Kung gusto n’yo akong makita sumayaw sa TV, manood kasi kayo ng ‘Wowowin’ every Friday. Baka kumanta pa ako dun!” mahabang paglilinaw ni Michelle.
Si Michele ang tinanghal na 2nd runner-up sa 2020 Miss Universe Philippines pageant at napapanood nga ngayon bilang guest co-host ni Willie Revillame sa “Tutok to Win” segment ng “Wowowin” sa GMA 7.