‘Happy island family’ ni Andi kumpleto na ngayon sa city: Mas madali na ang buhay, super saya!

KITANG-KITA ang kaligayahan at excitement sa mukha ni Andi Eigenmann at sa kanyang mga anak nang makapiling na sa wakas si Philmar Alipayo.

Makalipas nga ang halos kalahating taong pagtitiis at pagsasakripisyo na malayo sa isa’t isa, muling nabuo ang kanilang “happy island family” — dito sa Manila. At sabi ni Andi, mas magiging madali na ngayon ang lahat dahil kumpleto na ang family.

Sa bagong vlog ng hindi na aktibong aktres, ipinakita niya ang pagdating ng kanyang partner dito Maynila at ang unang bonding moments nila sa isang swimming pool.

Anim na buwang hindi nakita at nakasama ni Andi ang kanyang surfing champion partner matapos siyang abutan ng lockdown dito sa Metro Manila kasama ang mga anak na sina Ellie at Lilo.

Kaya naman talagang super na-miss ng aktres si Philmar na naiwan ngang mag-isa sa Siargao.

“We have Philmar now, we are complete so we are so excited to be sharing more of our days in the life here in the city eventually until we give birth and make our way back to the island,” pahayag ni Andi na talagang abot-langit ang pasasalamat sa pag-uwi ni Philmar sa Manila.

Patuloy na kuwento ni Andi sa kanyang vlog, “We are so happy because now our house has been more energetic than ever kasi nadagdagan pa kami ng isa.

“Kumpleto na kami so super saya. For those who have been wondering why Philmar only flew back now because of course, we’re supposed to be in the island.

“We wanted to keep our hopes up to be able to find a way to head back but due to everything that’s happening around us, hindi ‘yun nangyari,” lahad pa ng anak ni Jaclyn Jose.

Aniya pa, “We waited for papa to finish working on our home for us in Siargao. This is our home that will eventually be open to others.

“He worked on it and really spent most of his time there making sure that when we are able to fly back for the three of us, for me, Ellie and Lilo, we’ll be able to stay there na and live there na,” chika pa ni Andi.

Samantala, inamin din ng aktres na sa anim na buwang “paghihiwalay” nila ni Philmar ay marami rin naman siyang natutunan.

“One of the good things that came out of us na magkahiwalay kami for six months, wala si papa, siya lagi ang gumagawa ng lahat.

“Because magkahiwalay kami and ako lang ang nandito, I learned to cook, maglinis ng bahay at maghugas ng mga pinaggan,” sey pa ni Andi.

Proud na proud din daw siya kay Philmar dahil natapos na nitong gawin ang bahay nila sa Siargao kahit wala siyang masyadong nakatulong.

“Hindi niya kaya lahat gawin ‘yun. Sabi niya, ‘Wala akong alam sa house and all.’ Wala, pandemic. Si papa ‘yung gumawa ng lahat kahit sabi niya hindi niya alam. Now he knows,” kuwento pa ni Andi na buntis din ngayon sa ikalawang anak nila ni Philmar.

Read more...