Tanggap ng Kapuso actress ang ipinatutupad na bagong sistema sa taping ng mga teleserye at shooting ng mga pelikula dahil kailangang mag-ingat ang lahat para masigurong walang mahahawa ng COVID-19.
Actually, gustung-gusto ni Mylene ang nangyaring lock-in taping para sa GMA afternoon series na “Bilangin ang Bituin sa Langit” kasama sina Nora Aunor, Zoren Legaspi, Kyline Alcantara at marami pang iba.
Ayon sa aktres, bukod sa nabibigyan niya ng focus ang kanyang karakter dahil malapit lang ang kanilang bahay sa location ay mabilis din daw natatapos ang kanilang trabaho.
“Ako I like it, kasi magkakasama kami lahat, araw-araw nagtatrabaho kami, it’s easier to stay in character.
“And of course, ‘yung timeframe din mas mabilis namin natatapos ‘yung trabaho.
“Also, idagdag mo pa na nagkakaroon ng tunay na bonding at pagsasamahan talaga ang lahat ng tao sa set, hindi lang ‘yung mga artista kundi pati ‘yung staff and crew,” paliwanag ng aktres sa panayam ng GMA.
Ngunit ayaw ngang tawagin ni Mylene na “new normal” ang mga nangyayari ngayon.
“I don’t want to accept this as the new normal because it’s not normal.
“I’m still hoping that one day we can all go back to how it was before, the normal life.
“Because I miss having regular interaction not just with my friends but with family as well, traveling to see my family in America and all that jazz,” rason pa ng magaling na aktres.
Samantala, nasabi rin ni Mylene na hindi niya masyadong nilu-look forward ang pagdiriwang ng Pasko ngayong darating na Dec. 25.
“This year, we are going to have a different kind of Christmas, which is something I don’t look forward to.
“So, sumatotal, I don’t think it’s the ‘new normal,’ it shouldn’t be called normal at all because it isn’t,” diin pa niya.
Sa lahat ng mga nagtatanong, babalik na nga sa telebisyon ang seryeng “Bilangin ang Bituin sa Langit” simula sa Dec. 7 sa GMA Afternoon Prime after “Prima Donnas.”