Kim sa bashers: Makatanga naman kayo, naka-graduate rin ako, ha!

TO celebrate her Youtube channel’s reaching more than 2 million subscribers ay sinagot ni Kim Chiu ang mga nasty comment about her.

Isa sa mga common na tawag sa kanya ng bashers ay tanga.

Ipinagkibit-balikat lang ng “It’s Showtime” host ang pagtawag sa kanya ng kung anu-anong masasakit na salita. She wasn’t affected at all.

“Aww, Tanga na naman. Alam ko Chiu ang apelyido ko, hindi Tanga. Grabe naman, makatanga naman,” reaction ni Kim.

“Naka-graduate naman ako, ha. Naka-graduate naman ako with honor. Tsaka name-memorize ko ‘yung lines ko, ‘yung dance ko and ‘yung song memorize ko rin. I think no one’s perfect. Only God is perfect,” dagdag pang paliwanag ng dalaga.

Pati gown ni Kim sa ginamit sa ABS-CBN ball, pinagtawanan ng bashsers.

“Dati wala akong pambili ng gown, ngayon na may sponsor na ako, gusto ko ng hardcore gown. Gusto ko ng malaki (na gown). Di ko na-realize na mukha pala siyang shuttle cock.

“Gusto ko talaga malaking gown, balloon gown. ‘Yun ang gusto kong suotin, eh. Hindi naman ikaw ang nahirapan, eh,” paliwanag niya.

* * *

Napaiyak at naging emotional si Heaven Peralejo nang matanong siya about the money issue na inilabas ni Lolit Solis months ago.

Natanong kasi ang bida ng “Bagong Umaga” kung ano ang reaction niya’t ipinagtanggol siya ng mag-inang Jinkee at Jimuel Pacquiao nang ilabas ni Lolit ang isyung humingi siya ng ayuda kay Manny Pacquiao.

“Ah, sobrang… at that time po kasi sobrang… alam n’yo po ‘yung sumabog na po ako. Na hindi ko na kaya na ganoon ang perspective sa akin ng mga tao, kasi hindi naman totoo and nasasaktan’ yung mom ko,” say ni Heaven sa interview sa kanya sa “Magandang Buhay” recently.

Nasaktan nang husto si Heaven dahil unang-una, walang katotohanang humingi siya ng ayuda kay Manny at lalong bereft of truth ang chikang binigyan siya ng P100,000 ng Pambansang Kamao. Pangalawa, sobrang naapektuhan ang mother ni Heaven sa fake news na ikinalat ni Lolit sa kanyang Instagram account.

Sa huli, nag-sorry si Lolit sa kanyang ginawa kay Heaven.

Read more...