Kasama rito sina Carmina Villarroel, John Estrada, Tanya Garcia, Pauline Mendoza, Dave Bornea, Kristoffer Martin, Manolo Pedrosa at Liezel Lopez.
May pasilip naman ang production team sa kanilang lock-in taping sa Batangas kung saan mapapansin ang mahigpit na pagsunod ng lahat sa safety protocols.
Taos-puso rin ang pasasalamat ng batikang aktor na si John sa pag-aalaga ng GMA Network sa lahat ng cast and crew na kabilang sa lock-in taping.
“Just wanna thank and praise GMA for putting us in a very comfortable environment for our one-month lock-in. Specially to our staff of BABAWIIN KO ANG LAHAT iba kayo guys,” mensahe ng aktor.
Dagdag pa niya, “Kudos to you guys. ‘Di po kami tinipid. Importante po sa amin ang comfort at ‘yun po ang binigay n’yo. Salamat nagtatrabaho ka pero parang nasa bakasyon ka.”
Kapansin-pansin naman ang agarang closeness ng cast members sa ipinost na photo ni Carmina sa Instagram kung saan pinasalamatan niya ang co-star na si Kristoffer para sa inihandang dinner, “My Babawiin Ko Ang Lahat family. Thank you @kristoffermartin_ for the yummy dinner. Ang saya! Lock-in, Day 5.”
* * *
Kinilala sina Superstar Nora Aunor at Sen. Bong Revilla sa ginanap na 19th Gawad Amerika Awards nitong November 21 sa Los Angeles, California.
Ginawaran ang nag-iisang Superstar ng Lifetime Achievement Award in Performing Arts habang si Sen. Bong naman ay pinarangalan ng Lakandula Award.
Dahil pa rin sa COVID-19 pandemic, hindi nakadalo sa awards night ang Kapuso awardees at nagpadala na lamang sila ng video message bilang pasasalamat sa parangal na natanggap.
Mensahe ng Superstar, “Sa lahat ng tagahanga ko diyan sa Amerika, mga nagmamahal po sa akin, sa lahat ng sumusuporta, ang aking walang katapusang pagmamahal sa inyong lahat diyan. Mula po sa puso, walang iwanan, love you.”
Puno rin ng pasasalamat ang mensahe ni Sen. Bong, “Isang karangalan po na tanggapin ang parangal na ito. Ang mga ganito pong pagkilala ang nagtutulak sa akin para higit pang magsumikap sa ating sagradong tungkulin sa bayan.
“Makakaasa po kayo na tulad ng inyong hangarin bilang isang tagapaglingkod sa bayan, patuloy ko pong isusulong ang kapakanan ng ating mga kababayan,” aniya pa.
Samantala, malapit na uling mapapanood si Ate Guy bilang Cedes sa pagbabalik-telebisyon ng “Bilangin ang Bituin sa Langit” habang bibida naman si Sen. Bong sa upcoming GMA show na “Agimat ng Agila.”