DAHIL sa COVID-19 pandemic, walang entry sina Vice Ganda, Coco Martin at Vic Sotto sa Metro Manila Film Festival 2020.
Unang nagpahayag ang Star Cinema at Viva Films na hindi na nila maisasali ang pelikulang “Praybeyt Benjamin 3” ni Vice dahil mahihirapan silang mag-shooting sa “new normal”.
Sumunod namang in-announce na hindi na rin makakasali ang “The Exorcisms of My Siszums” ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga dahil nagka-COVID nga ang huli.
Hindi na rin sumali sina Vic at Coco ngayong taon sa filmfest dahil sa patuloy pa ring banta ng pandemya.
At dahil sa online platform na ipalalabas ang MMFF 2020 sa tulong ng Globe Telecoms at G Movies ay mapapanood na rin ito ng mga kababayan nating Pinoy sa ibang bansa.
Sampung pelikula ang puwedeng mapanood sa halagang P250 dito sa Pilipinas at depende naman ang palitan ng currency sa ibang bansa. Ibig sabihin anytime ay puwedeng mag-marathon ang lahat simula sa Dis. 25.
Ang sampung pelikulang pumasok sa taunang MMFF ay ang mga sumusunod: “Magikland” nina Christian Acuna at Migs Cuaderno na idinirek nina Peque Gallaga at Lore Reyes mula sa Brightlight Productions.
“Coming Home” starting Jinggoy Estrada, Sylvia Sanchez, Edgar Allan Guzman, Jake Ejercito, Martin del Rosario at marami pang iba mula sa direksyon ni Adolf Alix, Jr. produced by ALV Films.
“The Missing” nina Joseph Marco, Miles Ocampo at Ritz Azul mula sa direksyon ni Easy Ferrer under Regal Films.
“Tagpuan” nina Iza Calzado, Shaina Magdayao at Cong. Alfred Vargas na idinirek ni Mac Alejandre mula sa Alternative Vision Films.
“Isa Pang Bahaghari” starring Nora Aunor, Michael de Mesa, Phillip Salvador, Zanjoe Marudo, Joseph Marco, Sanya Lopez at Fanny Serrano, handog ng Heavens Best Entertainment mula sa direksyon ni Joel Lamangan.
“Suarez, The Healing Priest” ni John Arcilla at idinirek ni Joven Tan.
“Mang Kepweng 2” nina Vhong Navarro, Barbie Imperial, Ryan Bang, Benjie Paras, Ritz Azul, Fumiya Sankai, Yamyam Gucong, Ion Perez at iba pa mula sa direksyon ni Topel Lee under Cineko Productions.
“Pak Boys Takusa” na pagbibidahan nina Andrew E, Dennis Padilla at Janno Gibbs mula sa Viva Films at idinirek ni Al Tantay.
“The Boy Foretold by the Stars” starring Adrian Lindayag and Keann Johnson sa direksyon ni Dolly Dulu produced ng Clever Minds at ni Jodi Sta. Maria.
“Fan Girl” nina Charlie Dizon at Paulo Avelino, isinulat at idinirek ni Antoinette Jadaone mula sa Black Sheep.
At dahil sa online ito ipalalabas ay hindi na ito dadaan sa MTRCB pero ayon sa MMFF spokesperson na si Noel Ferrer ay pag-uusapan pa nila ito kung kailangang lagyan pa rin ng ratings ang bawat pelikula.