DUWAG. Boba. Tanga. Yan ang ilan lamang sa mga hate comments ng mga bashers sa Kapamilya actress-TV host na si Kim Chiu.
Pinagbigyan ng dalaga ang request ng kanyang fans at social media followers na gumawa ng vlog kung saan sasagutin niya ang mga bastos at negang komento sa kanya ng mga netizens.
Ito’t bilang bahagi na rin ng pagpapasalamat ni Kim sa madlang pipol dahil umabot na sa two million ang subscribers niya sa YouTube. At isa nga sa most requested ng kanyang fans ay ang “mean comments reaction video.”
“Dahil lumalaki na ang family natin, isa ito sa mga most requested na gusto niyong gawin ko sa vlog ko.
“So, dahil two million na tayo, in this video, magse-celebrate tayo ng mga hate messages or mga hate comments.
Babasahin natin ito one by one kasi gusto ko lang saktan ang sarili ko ng very little,” simulang pahayag ni Kim.
Karamihan sa mga nangnega sa dalaga ay ang mga netizens na naimbiyerna at na-turn off sa kanyang “classroom law” analogy o ang controversial statement niyang “bawal lumabas”.
Unang nabanggit ni Kim ang hater na tumawag sa kanya ng “tanga” at “stupid” dahil sa mga pinagsasabi niya. Sana raw ay huwag na lang siyang magsalita kung hindi niya naiintindihan ang issue.
Ani Kim, “‘Na-expose mo ang sarili mo Kim Chiu’. Tanga ka talaga. Ano ba ang problema ninyo?’ Wala namang tanga. Sadyang may mga tao talagang nagkakamali lang, di ba?
“Tsaka ‘yung mga pagkakamali na ‘yun, it will help you grow. It will thicken your character in life. It will make you strong. Kaya tayo binibigyan ng pagkakamali para matuto tayo. ‘Wag tanga agad,” reaksyon ng dalaga.
Isa pang comment ng netizen ang binasa ng aktres, “‘Celebrities who turn off comments section on some of their videos are coward. You signed for this, might as well embrace people’s opinions of you.'”
Reply sa kanya ng girlfriend ni Xian Lim, “Grabe. Hindi ba pwedeng gusto ko lang mag-share nang ginagawa ko or gusto ko lang maka-inspire ng mga tao sa ginagawa ko?
“And gusto ko lang ikuwento sa mga tao ginagawa ko. Ganu’n lang naman siguro ang mundo ng social media.
“Gusto natin i-share kung ano ang gusto natin i-share sa mga tao. Hindi naman lahat shine-share natin. Kaming mga celebrities, natutuwa kami i-share ‘yung kung ano ‘yung hindi niyo nakikita on-cam.
“So with the use of Instagram, Twitter, lalo na dito sa YouTube world, dito niyo nakikita ang totoong kami,” paliwanag pa niya.
Esplika pa ni Kim kung bakit nagdesisyon siyang i-turn off ang comments section sa kanyang social media accounts, “And kung i-turn off man namin ‘yung comments section namin, ‘yun ay tao din naman kami.
“‘Di ba sometimes hindi mo na ma-control ‘yung tao kasi minsan sa comments box mo nag-aaway-away na silang lahat.
“‘Yung mga mahal ka at hindi ka mahal, pinag-aaway-away mo dahil du’n sa comments box. Ikaw pa ‘yung nagla-light ng fire para mag-away-away ‘yung mga tao.
“So, might as well patayin mo na lang ‘yung comment box. At least, wala nang nag-aaway kasi merong magtatanggol sa ’yo, merong magagalit sa ’yo. So, lumalaki lang ‘yung apoy,” lahad pa ng Kapamilya star.
Patuloy pang pahayag ni Kim, “Tao din kami. Nasasaktan din kami. Kilala niyo lang kami because ito ‘yung line of work namin na we chose to entertain people, dancing, acting, singing, hosting para naman matuwa kayo sa amin.”
In fairness naman kay Kim, talagang napatunayan niya kung gaano siya katatag at katapang na babae dahil sa kabila nga ng matitinding pagsubok na pinagdaanan niya ay nananatili pa rin siyang nakatayo at patuloy na lumalaban.