Hindi ganap na nakuha ni Claudine Barretto ang simpatiya ng publiko sa pagsampa niya ng kaso laban sa dating asawang si Raymart Santiago dahil sa hindi nito pagtupad sa pinagkasunduang P100,000 na sustento kada buwan para sa dalawa nilang anak na sina Sabrina at Santino.
Ang kasong isinampa ay ang paglabag umano ng aktor sa Violence Against Women and their Children Act o Republic Act 9262 at economic abuse sa Prosecutor’s Office ng Marikina City kamakailan.
Base panayam sa abogado ni Claudine na si Atty. Ferdinand Topacio ay matagal nang hindi nagbibigay ng financial support si Raymart.
“Nagbibigay siguro, P14,000 a month, ganu’n. Tapos, wala na,” saad ni Atty. Topacio.
Samantala, sa mahigit dalawang daang komento na nabasa namin dito sa BANDERA ay iilan lang ang umayon sa gusto ni Claudine at karamihan ay hindi pabor sa hinihingi niyang P100,000 kada buwan sa panahon ng pandemic. At kahit hindi pandemic ay malaki pa rin ito sa parte ng aktor.
Ang mga nabasa naming komento ay ang mga sumusunod:
Mula kay @Erialc Cloud, “Right ng kids ang support pero di dapat mag demand depend kung mgkano sahod ng ama lol gravii naman kalaki ng child support.
@Yvonne N Elicano, “Whatever amount that you can give OK na. Just give, it’s an obligation to your children.
@An Tonette, “Grabe naman sa 100k. Lupa’t bahay na yan ah kaming ngang mga poorita di pa kami nakakakita ng buong 100k sa tanang buhay namin. mapapa Sana all ka nalang tlaga.
Pumabor naman si @Olive Espina sa malaking halagang hinihingi ni Claudine dahil nasa kanya ang burden sa pag-aalaga ng dalawang bata.
“Watever, dapat lang, hindi ‘yung pakasaya sa iba. Si Claudine taga-alaga na lahat lahat hindi madaling mging single parent na meron dapat ikasuporta si lalaki hapi-hapi walang stress eh. Di kasali bayad sa stress ‘yung hinihingi niya, dapat talaga siya magbigay, ganu’n.”
Sabi naman ni @Dieu Nous Benisse, “nakakatakot makapag-asawa ng ganyan, mahal ng maintenance requirement at puro pera ang issue.
@Delia Pastor, “Kailangan kasi ng pera kasi walang raket sa showbiz na.”
At mukhang idinamay pa si Jodi Sta. Maria na girlfriend ngayon ni Raymart base sa pahayag ni @Rhea A. Castro, “Can we blame her, makakapag jowa pero sustento wala? Kasi kung may jowa ka gagastos ka, eh paanong mga anak mo? So don’t blame her (Caludine) to ask for sustento. Kahit naman ako magagalit.”
Sundot din ni @Rhea A. Castro, “Karapatan n’ya ang mang hingi ng ganung sustento, kasal sila. Na kay Claudine ang anak, pag aaral, pagkain pag aaruga. Magkano ang matrikula ngayon sa exclusive school para sa dalawang bata? Sa iba ok lang sasabihin pa “Sige iwan mo ako, kaya kong buhayin ang anak ko!” Naku ha. Ano pamartir?”
Saad naman ni @Ladymaien Manrique Suaverdez, “Ang dami ng inampon mo tapos hihingi ng sustento ky Reymart. Ayuss,”
@Lhatina T Jesusa, “nakadepende naman sa income ng tatay ‘yan ‘yung ma-approved ‘yung hinihinging sustento.
At napansin naman ni @Victoria Loria, “Grabe ka Claudine kada na lng meron bagong jowa ang ex mo lagi ka na lang dedemanda, hindi ka ba maka-move on? Nag ampon ka pa nga eh, kung magkano man ang ibigay ni Raymart tanggapin mo.”
Sabi pa ni @Harold Ochoa, “Wow! 100k talaga ha. Ginagatasan mo mashado ang tao Claudine. Ganyan ba kalala ang lifestyle mo? Parenting and support is shared by both parents.
Samantala, nabasa namin na maliit nga raw ang P100,000 kung tutuusin sa isang bata dahil lumalabas na tig – P1,666.666.00 kada araw sina Sabina at Santino. Paano pa ang ibang gastusin tulad ng medical at dental check-up.
Bukas ang Bandera para kina Claudine at Raymart.