Pagbisita ni Bea sa pamilya priceless; iWant, TFC nagsanib para sa mga Pinoy sa buong mundo

IBANG klaseng kaligayahan ang naramdaman ni Bea Alonzo nang makasama muli ang kanyang pamilya sa Zambales kamakailan.

Nagtungo roon ang Kapamilya actress para sa birthday celebration ng kanyang ina at para bumawi sa mga panahong hindi sila magkakasama dahil na rin sa pandemya.

Ibinahagi ni Bea sa kanyang Instagram page ang ilang ganap sa pagbabakasyon niya ng ilang araw sa Zambales na aniya’y hindi mapapantayan ng anumang halaga.

“I spent a few days being with my family in Zambales for my mom’s birthday. I am thankful for being able to spend time with them, have never-ending conversations with them, and create memories with them. Priceless,” caption ni Bea sa kanyang IG post.

“My heart goes out to the families going through difficult times, especially those affected by the recent typhoon. Ipinagdadasal po namin kayo ng pamilya ko,” mensahe naman ng dalaga sa mga kababayan nating nabiktima ng Bagyong Rolly at Ulysses.

Isa si Bea sa mga local celebrities na agad tumugon sa pangangailangan ng typhoon victims sa pamamagitan ng kanilang charity group na I Am Hope.

Nagsagawa sila ng relief mission sa ilang lugar sa Metro Manila kabilang na ang Marikina at sa Cainta, Rizal. Nag-donate rin sila sa relief program na isinasagawa ni Vice President Leni Robredo.

“Lubos ang ating pasasalamat sa patuloy na pakikiisa ng I Am Hope Organization, na pinangungunahan nina Rina Navarro at ng aktres na si Bea Alonzo, sa ating mga inisiyatibo!”

“Malaking bagay ito para sa ating mga kababayang nasalanta ng mga nagdaang bagyo. Maraming, maraming salamat!” mensahe ni VP Leni sa grupo nina Bea.

* * *

Good news para sa lahat ng Pinoy sa buong mundo! Mapapanood na ang mga paborito n’yong pelikula at Pinoy entertainment shows saan man kayo naroroon.

Nagsanib-pwersa na kasi ang dalawang streaming platforms ng ABS-CBN, ang iWantTFC. Ito ang unang Pinoy streaming platform na available na ngayon para sa mga Pilipino sa buong mundo.

Sa bagong iWantTFC, unang mapapanood ng users sa loob at labas ng bansa ang bagong episodes ng mga Kapamilya teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin, “Ang Sa Iyo Ay Akin” nina Jodo Sta. Maria at Iza Calzado, “Walang Hanggang Paalam” nina Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo at Paulo Avelino at ang “Bagong Umaga,” 48 oras bago sila umere sa kahit anong platform o channel.

Sa iWantTFC naman eksklusibong napapanood sa buong mundo ang bagong Kapamilya series na “La Vida Lena” ni Erich Gonzales. Nakasama rin sa paglulunsad ng first episode nito noong Sabado (Nob. 14) ang piling fans mula sa iba’t ibang bansa na nakakwentuhan ang buong cast ng serye online.

Exciting din ang taong ito dahil maglalabas pa ang iWantTFC ng mga bagong palabas gaya ng “Bawal Lumabas” nina Kim Chiu, Kyle Echarri at Franchine Diaz, “Hoy Love You” na balik-tambalan nina Roxanne Guinoo at Joross Gamboa, “I Can Wait Forever” nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte, “He’s Into Her” nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, at “Ampalaya Chronicles: Me & Mrs. Cruz,” ang pinakabagong episode sa anthology series kasama sina Beauty Gonzalez and Kiko Estrada.

Bukod naman sa “My Lockdown Romance” at weekly episodes ng “The House Arrest of Us,” malapit na ring mapanood sa iWantTFC ang upcoming Star Cinema movies mula CineXpress na “Boyette” at “Four Sisters Before The Wedding”.

Samantala, libre namang mae-enjoy ng users sa Pilipinas ang pinakahuling episodes ng currently airing ABS-CBN shows sa loob ng pitong araw. Eksklusibo ring mapapanood ang Thai series na “Theory of Love” at “The Shipper” ngayong taon.

Sa bagong iWantTFC, mayroon ding offline viewing ng mga piling pelikula at show sa app na pinapayagan silang mag-download ng palabas at panoorin ito kahit walang internet.

Para ma-enjoy ang mga ito, mag-download ng iWantTFC app sa Google Play o Apple App Store o pumunta sa iwanttfc.com at gumawa ng bagong account. Pwede ring ma-enjoy ng bagong users ang 30-day free trial sa app.

Para ma-access ang pinakamalaking koleksyon ng mga bago at minahal na Filipino movies at shows, may tatlong subscription plans na mapagpipilian — free, standard, at premium.
Para naman sa iWantTFC users sa labas ng Pilipinas, magkaiba-iba ang presyo ng subscription plans depende sa bansa.

Tuloy lang sa iWantTFC, ang tahanan ng mga kwentong Pilipino, at mag-download na ng app sa Google Play o App Store o mag-log in sa iwanttfc.com.

Read more...