RAMBULAN na nga ang magaganap sa next round ng “The Clash Season 3” bukas ng gabi sa GMA 7.
Magsisimula na ang round four sa pinag-uusapan at laging trending na Kapuso reality singing search na pinamagatang “Royal Rambol.”
Hinati ang Top 12 contestants sa tatlong grupong pinangalanang Four-of-a-Kind, Lakambini at All New Vibe.
Sa Four-of-a-Kind magsama-sama sina Yuri Javier, Renz Robosa, Sheemee Buenaobra at Larnie Cayabyab. Sina Jennie Gabriel, Jessica Villarubin, Shannen Montero at Audrey Mortilla naman ang napunta sa Lakambini.
Sina Fritzie Magpoc, Cholo Bismonte, Princess Vire at Nina Holmes ang bubuo sa grupong All New Vibe.
Isa na namang umaatikabong showdown ang mapapanood sa pagpapatuloy ng “The Clash” pero kaninong boses nga ba ang may malakas na laban para magpatuloy sa kompetisyon at makakakuha ng boto ng Clash Panel (Ai Ai delas Alas, Pops Fernandez at Christian Bautista)?
Patuloy na tutukan ang “The Clash” hosted by Julie Anne San Jose and Rayver Cruz with Journey Hosts Ken Chan at Rita Daniela, tuwing Sabado, 7:15 p.m. after Pepito Manaloto and every Sunday pagkatapos ng “Daig Kayo Ng Lola Ko.”
* * *
Muling mapapanood ang ilan sa mga dekalidad na pelikula ng GMA Network na tumatak sa Filipino moviegoers sa ika-4 na Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) film festival simula Nob. 20 hanggang Dis.13.
Kasama ang pitong classic movies ng GMA Films sa Main Feature Film Showcase ng PPP4 ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).
Matutunghayan ulit dito ang directorial debut ng Kapuso Comedy Genius na si Michael V. na “Family History,” kung saan nakasama niya ang aktres na si Dawn Zulueta at sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.
Kasama rin sa mapapanood dito ang “Jose Rizal,” “Muro-ami,” “Moments of Love,” “Saranggola,” “Sa Pusod ng Dagat,” at “Deathrow.”
Para sa mga detalye kung paano makakakuha ng slot sa online PPP festival, bisitahin lang ang FDCP Channel website na https://fdcpchannel.ph/ at subaybayan ang updates sa GMA Network social media pages.