Jennylyn may paandar na ‘StarTruck’ para sa typhoon victims; DOTS PH hataw sa Netflix

BONGGA! Kasisimula pa lang ng Pinoy version ng South Korean drama series na “Descendants of the Sun” sa Netflix Philippines ay humataw agad ito sa ranking.

Mula sa 8th spot noong umaga ng Lunes (Nov. 16), ay mabilis itong umariba sa ikalimang pwesto sa listahan ng Top 10 TV shows list ng nasabing streaming service.

Hanggang nitong nagdaang Martes (Nov. 7) ay nasa 5th spot pa rin ito at inaasahang mas hahataw pa sa ranking sa mga susunod na araw.

Ibig sabihin talagang inaabangan na ng mga manonood ang pagsisimula ng action-drama nina Jennylyn Mercado at Dingdong Dantes sa Netflix, lalo na yung gustong masimulan muli ang serye.

Bago ipalabas sa Netflix ang award-winning Kapuso series ay nag-post pa si Dingdong sa kanyang  Instagram account para ibandera ang good news sa lahat ng Filipino.

“The 65-episode series will be streamed on eight consecutive Fridays, and I cannot wait to see our work on the menu of this popular service,” ayon sa post ng Kapuso Primetime King.

At siyempre, para naman sa mga nakatutok sa “DOTS PH” sa GMA Telebabad gabi-gabi, siguradong kilig overload pa rin ang feeling ng televiewers dahil sa mga paandar at pasabog ng tambalang DongJen pati na ng loveteam nina Rocco Nacino at Jasmine Curtis.

Reaksyon nga ng isang kapitbahay namin na adik sa “DOTS” na gandang-ganda talaga kay Jennylyn, “Dapat lang tawaging Ultimate Star si Jen dahil aside from her classic beauty, kering-keri niyang magpatawa, magpaiyak at magpakilig nang sabay-sabay!”

* * *

Speaking of Jennylyn Mercado, nanawagan na rin ang aktres ng donasyon para sa mga napuruhan ng Typhoon Ulysses sa Cagayan.

Sa kanyang Facebook ng kauna-unahang StarStruck Ultimate Female Survivor balak daw niyang punuin ng relief goods ang isang 10-wheeler truck na tinawag niyang “StarTruck.”

Ayon kay Jen, baka raw bumiyahe papuntang Tuguegarao, Cagayan ang nasabing truck sa Nov. 27 para maipadala ang makokolekta nilang donasyon.

“Ultimate StarTRUCK para sa mga Survivors!

“Bessies!!!! Calling for your help na punuin natin ng donation itong truck na ito para sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses sa Cagayan!

“Bukod sa mismong truck, may hinahanda na kaming 1000 bags of relief goods. Bilang ang laki nito theres room for more donations!” mensahe ng girlfriend ni Dennis Trillo gamit ang mga hashtags na #StarTRUCK at #StarTRUCKParaSaMgaSurvivors.

“Ultimate StarTRUCK para sa mga Survivors!”

Ni-repost din niya ang FB message mula sa Littlebucks Cat Cafe na may panawagan din sa mga nais magbigay ng tulong.

“Marami pa ring Cagayanos ang nangangailangan ng ating tulong matapos manalasa sa kanila ang bagyong Ulysses. Hayaan niyong maging daan kami para madala ito sa kanila sa pamamagitan ng truck na ito.

“Magkaisa tayo na ipadama sa kanila ang nag-uumapaw at punong punong pagmamahal natin sa pamamagitan ng pag-donate at pagpuno ng truck na ito ng mga kinakailangan nilang pagkain o supplies.

“Please check our previous posts for the full donation details. Believe in the power of compassion and donate now.”

Read more...