I-text kay Madam Sophia

Mula kay Liljhad ng …9423, Negros Occidental. April 8, 1991 ang birthday ko. Dalawa ang boyfriend ko, itatanong ko lang po kung sino ang mas ka-compatible ko sa kanila, si July 23, 1986 po ba o si October 17, 1990?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong April 8, 1991, kung si July 23, 1986 ay binata o walang pananagutan sa buhay, siya ang mas bagay sa iyo at sa sandaling siya ang nakatuluyan mo, tiyak na yayaman at hindi lang yayaman, magiging mayamang-mayaman pa ang itatayo nyong pamilya.
>>>
Mula kay Joe ng …9451, Baguio City. May 16, 1981 ang birthday ko. Kailan kaya ako magkaka-girlfriend at makapag-aasawa?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong May 16, 1981, sa susunod na taong 2014 sa edad mong 33 pataas magkaka-girlfriend ka na, at kapag-aasawa, hatid ng isang babaing medyo chubby na isinilang sa zodiac sign na Libra.

Read more...