TRUE to life story pala ang kuwento ng pelikulang “Boyette: Not A Girl Yet” na pagbibidahan ni Zaijian Jaranilla mula sa panulat at direksyon ni Jumbo Albano handog ng Star Cinema.
Inamin mismo ito ng direktor sa ginanap na virtual global mediacon ng pelikula nitong Martes.
Ayon kay direk Jumbo, “Ngayon lang ito malalaman ng cast lalo na ni Zaijian, si Boyette. It’s actually from a personal experience kasi nu’ng magka-college pa lang ako, ‘yung tatay ko na isang engineer, he told me that he wanted me to take an engineering course.
“E, hindi talaga ako magaling sa math, talagang bopols ako sa math. I tried but I failed so ang kinuha ko, Information System kasi feeling ko ‘yung information system malapit sa pagiging engineer, at nakapasa naman ako, I was doing fine, pinipilit kong enjoyin at naigagapang ko naman.
“Then one day, may nakita akong audition sa theater na ang role ay baklang bestfriend, sabi ko, ay kayang-kaya ko, so nag-audition ako and I got the role, so nagtuluy-tuloy na.
“And ang dami ko nang nagagawang shows and doon ko na-realize kung ano talaga ‘yung pinakagusto kong gawin as a person, as an artist, ‘yun ay ang magkuwento.
“Pero that time hindi ako napipigilan nina papa and mama kasi OFW sila, so alam nila information system (kurso), sumusunod lang ako sa gusto nila. Tapos nagkaroon na ako ng lakas ng loob na magsabi sa kanila kung ano talaga ang gusto ko.
“Kinausap ko sila sabi ko, ‘Pa hindi ito ‘yung gusto kong course, ang gusto ko talaga ay filmmaking kasi ang gusto ko ay magkuwento. I want to be a director someday. Hindi siya agad um-agree.
“Gusto niyang nasusunod siya (teary eyed), ipinaglaban ko naman sa kanya at nakita niyang nagiging honor student na ako and all, tapos heto na-prove ko na sa kanya, sabi ko, ‘direktor na po ako, tama ‘yung ipinaglaban ko before?’
“So, doon talaga nagsimula ang kuwento ni Boyette,” kuwento ni Direk Jumbo.
Sumingit naman si Zaijian, “Direk, ngayon ko lang nalaman ‘yan.”
“Siyempre, may ganu’n talagang mahika ang mga manunulat na ilapat sa sinusulat nilang kuwento ‘yung own story nila,” katwiran ni direk Jumbo.
Sabi naman ni Zaijian, “Actually, hindi po ako nagulat kasi sa set po kami, alam na alam niya ‘yung gusto niyang ipagawa sa akin. May mga jokes po kami roon na alam na alam. Thank you, direk,” sabi ni Zaijian.
Sa totoo lang, tawa kami nang tawa sa trailer ng “Boyette: Not A Girl Yet” at para sa amin perfect choice si Zaijian sa role niya bilang isang teenager na bading.
Sobrang believable ang pagkakaganap niya kaya posibleng pagdudahan din ng ilang manonood ang kanyang sexual preference.
Anyway, mapapanood ang “Boyette” sa Nob. 27 via KTX.ph at iWant TFC, Sky Cable pay-per-view at Cignal pay-per-view.