SA pamamagitan ng kanyang Big Heart PH project, patuloy na dumarami ang mga estudyanteng naaabutan ng tulong ng Kapuso star at Queen of Creative Collaborations na si Heart Evangelista.
Tuluy-tuloy ang pamimigay ng aktres at fashion icon ng libreng tablets na magagamit nila sa online classes sa isinasagawang distance learning ngayong taon dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.
Sinimulan ni Heart ang initiative na ito noong Hulyo para mabigyan ng pagkakataon ang mga underprivileged kids sa iba’t ibang komunidad sa bansa na ituloy ang kanilang pag-aaral.
Inanunsyo ng aktres sa kanyang social media pages na magkakaroon na naman siya ng panibagong batch ng tablets na ipapamigay.
“I’m so thankful that I’m given opportunities to give back to those most in need during times like these.
“For this recent 2nd batch that was launched last Nov. 9, I’ll be tying up with Cherry Mobile to give away another 500 Cherry tablets with free data to more students in need of a device!
“Just make sure to stay updated with and follow Big Heart PH to find out how you can avail your own Cherry tablet along with free data!” mensahe ni Heart sa kanyang socmed followers.
Samantala, tampok din ang Big Heart PH project ni Heart sa “Isang Puso Ngayong Pasko,” ang 2020 Christmas Station ID ng GMA Network. Mapapanood ang kabuuan nito sa official social media pages at YouTube channel ng GMA.
* * *
Magandang example ang Kapuso star na si Gabbi Garcia kung paanong nagagamit sa mabuti at makabuluhang paraan ang social media.
Nitong mga nakaraang araw, makikitang ginamit niya ang kanyang social media accounts upang magbigay ng lakas at makahingi ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.
Dahil din sa bagyo, na-move ang pilot airing ng kanyang show sa GMA News TV na “IRL (In Real Life)” para magbigay-daan sa balita at updates sa bagyo.
Ngayong Huwebes (Nov. 19) na mapapanood ang first episode ng nasabing reality program kung saan una niyang guest co-host ang kanyang boyfriend at bagong Kapuso na si Khalil Ramos.
Humingi ng pasensiya si Gabbi sa kanyang fans dahil late na rin siyang nakapag-post tungkol sa pagkaka-postpone ng first episode.
Say ng dalaga, “Hi guys. The pilot ep of IRL will air on Nov. 19 instead. So sorry I wasn’t able to update you guys yesterday.
“We had no signal and power. Praying for everyone’s safety. please please take care.”
Naiintindihan naman ito ng fans ni Gabbi na karamihan ay nagsabing mas mahalagang safe ang Kapuso star at ang kanyang pamilya.