TINATAWAGAN ng pansin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang publiko na mag-ingat sa laganap na bentahan ng pekeng CopperMask sa ilang lugar sa Divisoria, sa social media at maging sa ilang online stores.
Ayun sa CopperMaskPH, ang kumpanyang gumagawa ng CopperMask dito sa bansa, lumapit sila sa NBI para humingi ng tulong at pigilan ang ilang indibidwal na nagtatangkang manlamang o manloko sa publiko sa pagbebenta ng mga peke at imitasyon ng produkto nila.
Matatandaan na ang CopperMask ay sumikat sa ating bansa simula nang ito’y ipakilala sa publiko sa kalagitnaan ng panahon ng pandemya. Ito ay makikita na suot-suot ng mga artista at mga prominenteng tao na kadalasan ay makikita sa social media.
Ang CopperMask ay ang kauna-unahang facemask na may natural antimicrobial at self-disinfecting property, at ang bukod-tanging katangian ng elementong copper o tanso na nakapaloob sa facemask na ito.
Bukod sa isa itong mabisang proteksyon na pwedeng makatulong labanan at pigilan ang iba’t ibang uri ng bacteria at virus, ito rin ay kilala na “Pandemic Hot and Fashionable item” dahil sa taglay nitong agaw-pansing disenyo na siyang dahilan kung bakit ito tinatangkilik ng publiko.
Ayon sa legal officers ng CoppermaskPH, ang mga nadiskubreng pekeng bersyon nito ay nakapaloob sa puting kahon o packaging na ang tawag ay “CopperMask version 1.0”.
Matatandaan na ang CoppermaskPH ay hindi na nagbebenta ng Version 1.0, sa halip ay Version 2.0 o yung nakapaloob sa itim na kahon ang ibinebenta nito.
Napansin din ng legal officers ng CoppermaskPH na ang mga pekeng bersyon nito ay malayo ang kulay at tekstura mula sa original na produkto.
Dagdag pa nila na ang mga nasabing pekeng produkto ay nagtataglay ng kakaunti o baka wala pa ngang taglay na “Infused Copper Strands” na siyang pangunahing materiales para sa pagiging epektibo ng produkto, at ito ay ibinebenta sa halos bagsak at malayo sa itinakdang presyo ng nasabing kumpanya na siyang matibay na senyales na Peke at imitasyon ang mga nasabing produkto.
Ang pangamba ng mga opisyales ng CoppermaskPH ay kapag ito ay nabili ng mga customers na wala pang kaalam-alam sa pekeng bersyon nito.
Ayun sa kanila, ang peke o imitasyong bersyon ng CopperMask ay nagtataglay ng kakaunti o walang proteksyon para labanan ang pagdami at pagpigil ng bacteria o virus.
Nakatutok na ang NBI sa kasong ito at nagsabing huhulihin ang mga indibidwal na mapatutunayang nagbebenta ng mga pekeng CopperMask.