Basher soplak kay Kim: Wag mong ibase sa caption ang faith ng isang tao sa Diyos

PALABAN ang naging resbak ng Kapuso actress na si Kim Domingo sa isang netizen na kumuwestiyon sa kanyang pananampalataya.

Soplak kay Kim ang nasabing basher na nagkomento sa isa niyang Instagram post na may caption na “I’m back.”

Ayon sa IG user, dapat daw mas mag-focus ang dalaga sa kanyang faith at pananalig sa Diyos sa halip na ma-post ng kung anu-ano sa social media.

“Madami na nangyayari sa mundo, caption mo you’re back…” comment ng hater.

Sinundan pa niya ito ng linyang, “Sad but true. People are living here on Earth for pleasures. Be a God pleaser, not a people pleaser. Take time to pray, not to post on IG.”

Hindi nga ito pinalampas ni Kim ay talagang binasag ang pakialamerang basher, “Madami nga nangyayari ngayon sa mundo at isa ako sa mga nagpaabot ng tulong. Hindi ko sana sasabihin ‘to kaso nabasa ko comment mo.

“Para rin maliwanagan ka. ‘Wag mo ibase sa caption ang pananampalataya ng isang tao sa Panginoon. God bless,” pahayag pa ng Kapuso star.

Bihira lang pumatol ang dalaga sa mga bashers at bully sa social media pero kapag feeling niya masyado nang offensive ang banat ng mga ito ay talagang hindi niya ito pinalalampas.

Kung matatandaan, marami ang pumuri at meron ding nangnega noon kay Kim nang maging cover girl para sa isang local magazine.

Dito ipinaliwanag niya ang naging desisyon na talikuran na ang sexy image, “I told myself: I just want to be happy; ayoko ma-stuck ako sa box na ‘yun, at hindi ako makaalis just because I was afraid of what’s gonna happen or what’s I’m going to lose or what others’ are going to say.

“I believe every woman deserves to be respected regardless of what she wears or what style she chooses. Having a sexy image does not have to equate to being disrespected.

“I want to tell those people who feel like they do not belong. Just remember, do whatever makes you happy.

“Follow your heart. Learn to stand up for yourself. Be strong. Because in the end, it is your life. It is your choice. We cannot please everybody,” mensahe ng dalaga.

Read more...