NU’NG kasagsagan ng lockdown ay isa si Kitkat Favia sa nawalan ng trabaho at ito talaga ang ikina-stress niya.
Breadwinner kasi siya bukod pa sa hindi niya makita at madalaw ang magulang niyang senior citizen na malayo ang bahay sa kanya.
Kaya ang iniisip niya ay kung sino ang bibili ng pang-maintenance at iba pang pangangailangan ng mga ito dahil dalawa lang sila sa bahay.
Ang pagti-TikTok ang isa sa nakatulong kay Kitkat para may pangdagdag sa gastusin nila sa bahay.
At dahil ang daming followers ni Kitkat sa TikTok ay marami ang nag-aalok sa kanya ng shows pero tila ang gusto ng ilan ay libre na ang talent fee niya kaya naman nag-post siya tungkol dito.
“My prices are based on my talent not your budget.
“Every year pinopost ko eto mas malala pala ngayon kasi tinetake advantage ang pandemic ang script ng iba ngayon ay ‘NASA BAHAY KA LANG NAMAN’ dapat libre lang? Fyi po kahit tiktok may bayad po at post sa IG.
“Unang-una po mas effort po mag SET-UP sa bahay, (binili namin ang mga mamahaling gadgets namin) (hirap magpatawa at magperform ng mag isa at walang audience) mga ilaw, mga set up ng sakit sa ulong gadgets, background, lahat ng pag peprepare gawain mo mag isa, as in ikaw lang kuryente na babayaran/gagamitin (mahal ang kuryente ng mga pailaw ah) etc.
“At kahit nasa bahay lang, nag-aayos, nagmemakeup at nagbibihis din po kami, so same at mas mataas na effort ang need sa bahay.
“Di po kami nagbibigay ng serbisyong 1/4, tatlong kilo o sampung tumpok. We do our best to make you happy!
“We work with our hearts, with our soul, with our spirit. If you ask yourselves why ARTISTS (singers, host, stand up comedians, actors, dancers, musicians, djs or anyone who falls under the artist category) charge so much for performances?
“Firstly, OUR TALENTS ARE SUPER IMPORTANT AND NAG INVEST PO KAMI DYAN, HINDI PO YAN NAKUKUHA NG ISANG TULUGAN.
“We don’t get paid vacation, we don’t get paid sick days, we don’t get bonuses for outstanding performances nor for Christmas or Holidays. We don’t have 13th month pay.
“We don’t have insurance plans nor do we qualify for unemployment. We don’t get paid for maternal leaves, We, don’t get paid if we we’re not called. We don’t get paid for emergencies.
“We receive no overtime pay. We sacrifice our family on special days, Sundays, birthdays etc so that we can bring happiness to others. We don’t have holidays.
“Illness or personal affairs or problems even death are NOT excuses for a bad performance.
“Next time you ask, remember that ARTISTS are ARTISTS because of the LOVE of Music, Performing & Art, we love our craft but that love doesn’t pay debts or obligations.
“But if you find bargain prices ‘Performers’ then don’t expect that what we so called QUALITY. You will get what you pay for, Happy Artists Day!!!
“Repost if you’re an Artist!” ang litanya ng komedyana.
At dahil na rin sa TikTok at pagiging visible ni Kitkat sa social media ay inalok siya ng NET25 bilang main host ng “Happy Time” na napapanood tuwing tanghali kasama sina Janno Gibbs at Anjo Yllana.