Tuesday sa lockdown cooking: Yung sinigang walang sabaw, yung adobo walang toyo

SA halip na mabalot ng kanegahan ang kanyang buhay noong kasagsagan ng lockdown, umisip ng paraan si Tuesday Vargas para labanan ang iba’t ibang epekto ng pandemya.

Naniniwala ang singer-comedienne na may magandang rason kung bakit nangyayari ang mga challenges na ito sa buhay ng mga tao.

Bukod nga sa araw-araw niyang kasama ang pamilya, napakarami rin niyang bagong nadiskubre habang nakakulong lang sa bahay at walang regular na trabaho at iba pang karaketan.

“I’m very happy because ang tawag ko rito sa opportunity na ito na na-force tayo to be inside our homes, is sheltering in.

“So, I look at it in a positive light, I don’t think of it as anything na detrimental sa personal development ng mga tao kasi only boring people are bored. Kaya kapag bored ka, hindi ka creative.

“So, dapat gawin mo lahat ng puwede mo gawin. Yung second floor ilipat mo sa first floor, i-drain mo yung pool tapos punuin mo ulit, ganu’n. Magpaka-busy ka,” chika ni Tuesday sa ginanap na virtual mediacon para sa “Phoenix SUPER LPG’s Kalderoke: The Singing and Cooking Showdown” kung saan isa siya sa mga judge.

Isa sa mga kinarir niya during lockdown ay pag-e-experiment ng bagong recipes, “Lahat ng niluluto ko dati dineconstruct ko nu’ng new normal, yung sinigang walang sabaw, yung adobo walang toyo. Basta maging exciting ulit yung pagluluto.

“And on the other end of the spectrum, people who did not know how to cook before, wala silang choice. Sabi ng anak ko, ‘Wala silang no choice’ so parang double yung wala silang choice.

“Kaya kailangan nila magluto and so na-discover mo yung sarili mo during the quarantine period na puwede pala, kaya ko pala. So it boosts our self-confidence, our morale as a person talagang it made you survive those seemingly lonely hours na mag-isa ka lang.

“Kasi talagang sobrang nakaka-happy ang pagkain. Kaya kahit ano man yan, kahit mac and cheese na napakasimple, three ingredients, go for it. Because cooking feeds not just your gut but your soul,” sey pa ng komedyana.

“Ako lagi ang kusinera sa lahat pag family gathering, pag may parties so kaya siguro I trained for it and I wanted to go into the food business.

“So talagang inaral ko siya. If I was going to rate myself, I’m an 8.5 hoping for 9. Parang gusto ko nga maging 11 kahit lagpas-lagpas pa. Ha-hahaha!” hirit pa niya.

Nagsimula na last Saturday, 8:30 a.m. ang “Phoenix SUPER LPG’s Kalderoke: The Singing and Cooking Showdown” sa Kapamilya Channel, hosted by Wacky Kiray and Sheryn Regis.

Kasama naman ni Tuesday bilang judge sina chef Rolando “Chef Lau” Laudico, Jonathan Manalo at ang Phoenix SUPER LPG’s Category Marketing Manager na si Marc Salboro.

Read more...