Maine napa-throwback sa Bawal Judgmental: Nakakatuwa na ito ‘yung plano sa akin ni Lord

NAPA-THROWBACK ang Phenomenal Star na si Maine Mendoza sa pagiging instant superstar nang mapasok siya sa “Eat Bulaga”.

Nagsimulang makilala si Maine sa kanyang mga viral Dubsmash videos hanggang sa ma-discover na siya ng “Eat Bulaga” at maitambal kay Alden Richards at nakilala nga sa buong mundo bilang AlDub.

Sa episode ng “Bawal Judgmental” ng “Eat Bulaga” kahapon, natanong si Maine ng mga Dabarkads kung ano yung feeling noong bigla siyang sumikat nang bonggang-bongga.

“Ayun, masaya. Hindi ko naman inaasahan na mapupunta ako sa mundong ito pero siyempre sobrang grateful naman ako na dito ako dinala ni Lord.

“Kasi wala naman nag-expect, kahit naman ako hindi ko rin inakala na mapupunta ako dito pero nakakatuwa na ito ‘yung plano sa akin ni Lord,” pahayag ng TV host-actress.

Ayon pa kay Maine, naka-private lang daw noon ang Dubsmash account niya pero nang malaman niyang tuwang-tuwa sa mga video niya ang mga kaibigan ginawa na niya itong public.

“For fun lang kasi naka-private talaga ‘yung mga videos ko before tapos ‘yung mga nagko-comment na friends ko, benta sa kanila. So inisip ko, ‘Baka benta rin sa iba, try kong i-public,”sey pa ng dalaga.

Hirit pa ng girlfriend ni Arjo Atayde, “Hindi na rin ako nahiya kasi feeling ko kakaiba kasi ‘yung mga videos before sa Dubsmash karamihan nagpapa-cute. So naisipan ko lang i-upload.”

Natanong din siya nina Paolo Ballesteros at Jose Manalo tungkol sa mga namba-bash at nangnenega sa kanya noong umingay na nang todo ang pangalan niya pati na rin ng AlDub.

“Meron din, kasi hindi mo naman maiiwasan yung mga tao marami sinasabi. Parehong good and bad. Mas marami siyempre ‘yung mabuti na nangyari sa buhay ko. Alam ng lahat ‘yun,” chika pa ni Menggay.

In fairness, maraming nagkomento noon na dahil sa napakabilis na pagsikat ni Maine ay mabilis din daw siyang malalaos pero pinatunayan ng dalaga na maling-mali sila.

Bukod kasi sa marami siyang talent at magaling makisama, hindi pa rin bumibitiw sa kanya ang mga loyal fans na kahit anong mangyari ay nakasuporta lagi sa kanya.

Read more...