Sharon puro ‘hypoallergenic’ ang mga alagang aso: Stress reliever ko sila

IBANG klase rin ang pagmamahal ni Megastar Sharon Cuneta pagdating sa mga aso.

Sa latest vlog ng singer-actress ipinakilala niya sa madlang pipol ang kanyang pet dogs kasabay ng pagbabalik-tanaw sa mga dati nilang alaga na namatay na.

Ipinakilala niya sa publiko ang mga alagang Shih Tzus na sina Pippi, Halle, Sully, Daisy, ang Bichon Frise na si Arie, Giant Silver Poodle Bella, Coton de Tulear Pixie, Red Toy Poodle Pinky at Toy Poodle Cookie.

Bata pa lang ay dog lover na si Mega, in fact, may isa siyang alaga noon na ginamit pa sa classic movie niyang “P.S. I Love You.”

“My love for dogs started when I was a little girl. But it was my brother who always had dogs tapos parang kapag nagkaanak, biglang ibibigay niya sa akin ‘yung (tuta). And the dogs that I love the most, I remember, before Solomon, was a Japanese Spitz that I named Blondie,” simulang kuwento ni Mega sa kanyang YouTube video.

Patuloy pa niyang kuwento, “She was in the movie P.S. I Love You, Pero doon, hindi ko alam kung bakit ayaw nilang gamitin yung ‘Blondie,’ pinangalanan siyang Bubbles. Siya ‘yung puting aso sa P.S. I Love You na Bubbles ‘yung pangalan.”

At alam n’yo ba na noong mamatay si Blondie, talagang iyak siya nang iyak kaya nagdesisyon siyang huwag munang mag-alaga. Nasaktan daw kasi siya nang bonggang-bongga that time.

“When Blondie died, I never wanted another dog again. Until one day, I was doing The Sharon Cuneta Show at the Delta Theater, meron akong fan na Hapon na may dalang Shih Tzu na maliit na male.

“I was newly-married to Kiko (Pangilinan) then. It was a little 4-month-old male that I named Solomon because Oprah Winfrey’s dog she named Solomon.

“So, I fell so much in love with him. Ang tagal ni Solomon sa amin. Hindi ko nga alam kung 12 or 14 years old. Shih Tzu rin siya. So I loved him so much katabi rin namin ni Kiko sa bed ‘yun tapos nagpunta kami ng Boston isang taon, tapos pagbalik namin parang aatakihin siya sa puso sa saya.

“I felt guilty when Solomon passed away because he was our baby and the Frankie came and it was like he was neglected. Neglect in the sense na hindi na siya sa amin natutulog.  And I carried that guilt for so long I didn’t want a Shih Tzu anymore,” pahayag pa ni Shawie.

Gusto pa rin niyang mag-alaga ng Shih Tzu pero parang may pumipigil sa kanya hanggang sa isang araw, umuwi si Kiko at niregaluhan siya ng Shih Tzu na pinangalanan niyang Daisy.

“Kiko came in one day with a little 4-month-old Shih Tzu. This beautiful girl, Mama’s girl. Ito talagang (si Daisy) dikit to Mama,” sey ni Mega.

Dugtong pa ng OPM at movie icon, “I’ve always been a dog person. And all my dogs should really be hypoallergenic because my kids have asthma. They’re allergic. Pero ang hirap kasi wala naman talagang asong 100% hypoallergenic. Pero du’n na ako sa aso na tinatawag na hypoallergenic na breeds kasi naa-allergy sila. ‘Yung biglang sisipunin, uubuhin, lalagnatin.”

“Si Miel nagbi-breakout, ‘yung nagpapantal bigla na pula tapos hindi makahinga. Tapos si Frankie din nagbi-breakout. Si Miguel lalagnatin pa,” dagdag pa niya.

“Ang hilig pa naman sa aso ng mga anak ko. They all love the dogs very much like I do. And ito, kahit mainit ang ulo ni Kiko, ‘pag nakita niya si Daisy, nawala na lahat. So kapag naiinis siya, ihaharap ko lang sa kanya si Daisy,” kuwento pa ni Mega tungkol sa isa pa nilang alaga.

Meron din siyang Chow-Chow noon, si Rosie na nakuha niya sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS), “Matanda na siya when she got rescued and ni-nurse siya back to health. And when I finally got her, she had really just a few more years to live. But we wanted to give her a really comfortable, loving home bago siya pumanaw.”

Stress reliever ni Mega ang kanyang mga aso, “They really reduce my stress levels. Whatever stress level you have, when you get home and they greet you. The love is so focused on you and directed at you. It’s so unconditional. It’s pure love. And dogs are just really affectionate.”

Ito naman ang advice niya sa nais ding mag-alaga ng aso, “It’s better to adopt than to shop. Aspins are actually very, very smart. And you would be doing everyone a favor if you could adopt a dog or a cat from PAWS and other pet orphanages.”

Read more...