TAWA kami nang tawa habang rumarampa ang 72 “Kalokalikes” ng It’s Showtime sa ABS-CBN sa harap ng entertainment press nu’ng Sabado ng hapon.
Nakakaaliw kasing makita nang harap-harapan ang mga Pinoy na kamukha ng mga kilalang local and international celebrities.
In fairness naman sa Showtime, talagang biglang umariba ang rating ng programa nang simulan nila ang “Kalokalikes” segment, nakita nga rin namin sa presscon ang ultimate kalokalike ng season one, ang impersonator ni Boyet de Leon na si Jonathan Garia.
Nandu’n din ang gumagaya kay Kim Chiu na balitang kinuha ng ng isang brand ng shampoo na ine-endorse rin ng totoong Kim. Bongga, di ba?
Hindi naman daw sa nagtitipid ang nasabing kompanya sa pagkuha sa impersonator ng ex-GF ni Gerald Anderson, gusto lang daw talaga nilang bigyan ng chance na sumikat ang Kalokalike runner-up.
Sa 72 contestants naman ngayong season, bet namin ang kalokalikes nina Nicki Minaj na si Jennifer Catayong at Jessica Sanchez na si Jure Anne Tabuena, pati na rin si Reginald Abrio as Apl.de.Ap.
Malakas din ang laban ni Lyza Lasconia dahil siya talaga ang kahulma ng pagmumukha ni Cacai Velasquez! Ha-hahaha!
Hindi man kamukhang-kamukha, pero aliw na aliw din ang press people sa gumagaya kay Pangulong Noynoy na si Jervi Cajarop na kuhang-kuha ang pag-ubo-ubo ng presidente, at meron din siyang dalang PSG, ha! Winner din sa audience ang gumagaya kay Tito Alfie Lorenzo na si Rodolfo Rulloda na personal pang binati ng totoong manager ni Juday during the presscon!
Simula ngayong araw, magpapatalbugan na ang mga napiling finalists ng “Kalokalike” at inaasahan ngang mas bongga, mas nakakaloka at mas matindi ang showdown ang magaganap sa “Kalokalike Level Up Face 2” semi-finals round na aarangkada sa loob ng apat na linggo.
Isang grupo ng Kalokalikes ang magpapatalbugan bawat araw at ang magwawagi ang pasok sa grand finals na gaganapin sa Setyembre 28 sa pagkakataong masungkit ang titulong Ultimate Kalokalike at premyong P300,000.
Subaybayan na ang inyong mga pambatong Kalokalike. Manatiling manood ng It’s Showtime, 12:30 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes, 12 ng tanghali tuwing Sabado kasama ang hosts na sina Anne Curtis, Vice Ganda, Vhong Navarro, Billy Crawford, Karylle, Kuya Kim Atienza, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Jhong Hilario, Ryan Bang, Coleen Garcia, at Eric “Eruption” Tai sa ABS-CBN.