Dingdong, Angel, iba pang miyembro ng AKTOR nagsagawa ng relief operation; Scarlet may ayuda rin para sa Marikina


NAGSIMULA na ang relief operations ng mga artistang miyembro ng grupong AKTOR para sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.

Unang nagtungo ang grupo sa pangunguna ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang Marikina na lumubog sa tubig-baha matapos ang bagyo.

Namigay ng relief goods at iba pang ayuda sa mga residente roon sina Dingdong, Jasmine Curtis, Paolo Paraiso, Sunshine Dizon, Angel Locsin at ang fiancé nitong si Neil Arce.

Makikita sa mga litrato at video nq ipinost ng AKTOR members sa social media ang ginawa nilang relief operation mula sa pagre-repack hanggang sa pagi-distribute ng mga ito sa mga biktima ni Ulysses.

Patuloy na nananawagan ang grupo nina Dingdong sa mga nais pang tumulong para mas marami pa silang maipamigay na ayuda sa mga nasalanta.

* * *

Hindi rin nagpahuli sa pamimigay ng tulong ang celebrity kid na si Scarlet Snow Belo na nagpadala rin ng  donasyon sa mga taga-Marikina.

Nag-post ang anak ninaVicki Belo at Hayden Kho sa Instagram ng kanyang litrato at ng mga relief packs na kanilang ipamimigay sa typhoon victims.

Makikita sa photo si Scarlet hawak ang isang papel na may nakasulat na, “This is for you, Marikina!”

Sabi naman ng bata sa caption, “Hang in there, Marikina! Help is on its way. I packed these goodies myself so it’s packed with my love.”

“Please stay strong, ok. Even if it’s hard,” dagdag pa niyang mensahe sa lahat ng mga Filipino.

Read more...