Angel duguan ang puso para sa mga nasalanta ng bagyo: Alagaan natin ang isa’t isa…

DAHIL hindi mapuntahan ang mga biktima ng Bagyong Ulysses ay idinaan na lang ng ilang celebrities ang kanilang pakikisimpatya sa kani-kanilang social media accounts.

Ilan nga sa kanila ay sina Angel Locsin, Maja Salvador, Gerald Anderson, Sunshine Cruz at Korina Sanchez.

Tweet ni Angel, “My heart bleeds for those heavily affected by these typhoons #RollyPh & #UlyssesPh. Praying that you, your loved ones, and colleagues are safe and secure.

“Our resilience will always be greater than any calamity! Alagaan natin ang isa’t isa. Keep safe mga kababayan ko,” aniya pa.

Pack-up naman ang shooting ni Maja dahil sa bagsik ng bagyo kasabay ng paghingi ng panalangin para sa kaligtasan ng lahat.

“No Shooting today dahil sa bagyong #Ulysses. Stay Safe Everyone! Lord please protect us all!” mensahe ng aktres.

Ito naman ang caption ni Gerald sa larawang ipinost na nakasakay sa floaters, “So many helpless Filipinos right now. I can only send out my prayers for now. Please stay safe and strong.”

Nag-post naman ng emergency hotlines na maaaring tawagan si Sunshine Cruz na ang caption ay, “Praying for everyone’s safety. Keep safe po! #prayforthephilippines #ulyssesph #rescueph.”

Mga larawan ng mga kababayan nating nasa bubungan ng kanilang mga bahay at mga lumusong sa tubig baha naman ang ipinost ni Korina.
Ang inilagay niyang caption ay, “Our prayers go out to those who had no shelter over their heads while the rain and harsh windstorm was raging last night. Nandito kami para tumulong kahit paano. Goodbye Ulysses, you are not welcome here.”

Samantala, marami pa kaming kilalang mga celebrities ang nagpaabot ng kanilang tulong sa mga nasalanta na ayaw na lang ipabanggit ang mga pangalan.

Read more...