Gabbi, Khalil umaming ayaw makatrabaho noon ang isa’t isa…bakit kaya?

INAMIN ng Kapuso couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos na ayaw talaga nilang magsama noon sa isang project.

Napag-uusapan nila ang tungkol dito nu’ng nagsisimula pa lang ang kanilang relasyon taong 2017. Medyo imposible nga naman itong mangyari dahil magkaiba pa ang mother network nila noon — nasa ABS-CBN ang singer-actor habang nasa GMA naman si Gabbi.

“At first honestly kami ni Khalil iniiwasan din namin na magka-work kami during the earlier stages of our relationship. Talagang we didn’t want to work with each other,” pahayag ng Kapuso star sa panayam ng GMA.

Ngunit habang tumatagal nga ang kanilang relasyon, biglang nagbago ang pananaw nila about working together hanggang sa magbida na nga sila sa pelikulang “LSS” noong 2019.

“Pero siguro as we grew in our relationship, natutunan namin how to manage it, siguro by keeping boundaries when it comes to personal life and work.

“Dapat alam mo ‘yung pinoprotektahan mong privacy sa trabaho at sa inyong relationship and to just know when to protect that privacy,” sabi ni Gabbi.

At ngayong magkasama na sa GMA ang dalawa, siguradong marami silang gagawing proyekto na magkasama, una na nga riyan ang gagawin nilang teleserye.

Kuwento pa ni Gabbi tungkol kay Khalil, “Lagi siyang nagkukuwento sa akin na napakainit ng pagtanggap sa kanya ng GMA, and he’s just so grateful sa lahat dahil ang babait daw ng mga tao sa kanya.

“It’s like being new again in show business kasi kahit nine years na siya sa industriya, meeting new people parang bago ulit siya. It’s nice kasi lahat mababait daw talagang sa Kapuso Network sabi niya,” chika ng dalaga.

Read more...