Kilalang aktres ibang-iba ang itsura pag walang make-up; TV exec naloka

LUKANG-LUKA ang TV executive sa isang kilalang aktres na nagpunta sa kanilang show na walang make-up.

Kagigising lang daw kasi nito at sa dressing room na lang magbibihis at magme-make up.

Ang layo-layo raw kasi ng itsura ng kilalang aktres kapag napapanood siya sa TV kaya nu’ng pumasok daw ng main entrance ay talagang nakatitig lang sa kanya ang TV executive.

Ang tsika sa amin, “Kasi naman ang lola mo, pumunta nang naka-duster yata walang make-up e, hindi naman sanay ‘yung mga tao ro’n (network) sa nakita nila kasi nga ang layo ng image. Tapos ang daming lines sa mukha, natatakpan lang ng concealer.”

Supposedly kukuning regular ang kilalang aktres sa isang show na talagang maganda ang talent fee, pero dahil nabuking ang sikreto niya ng TV executive, ginawang guest na lang siya for a day at sabay pinababu na.

Mabuti na lang daw at hindi pa nabanggit ng TV executive sa kilalang aktres na plano siyang gawing regular na sakto naman dahil nagmamadali na rin itong umalis pagkatapos ng show dahil may iba pa siyang lagare.

Napaisip kami kung ano nga ba ang itsura ng kilalang aktres kapag wala siyang make-up, maganda ang balat niya, makinis kaya hindi namin talaga ma-imagine kung ano ang inayawan sa kanya.

Ikinumpara kasi si kilalang aktres sa mga nakuhang artista sa show, ‘yung isa kahit na walang make-up, maganda at maamo ang mukha.

‘Yung isa naman ay parang manika ang itsura, maliit at nababago ang itsura kapag nilapatan na ng make-up, naiiba bigla ang character.

Sayang mahusay pa naman siyang umarte, ‘yun nga lang kahit seryoso na ang role niya ay matatawa ka pa rin sa mga eksena niya.

Read more...