NATANONG ang ilang senior actors kung ano ang challenges sa kanila sa new normal shoot o taping ng isang project.
Naunang sumagot si Raymond Bagatsing na kasama sa teleseryeng “La Vida Lena” na pagbibidahan ni Erich Gonzales.
Sabi ng beteranong aktor, “Maraming challenges dahil lock in taping, three weeks at a time, lalo na ‘yung maybahay, of course marami ring intindihin sa bahay, sa family ganu’n kasi ngayon dahil pandemic.
“So, we just have to go to the flow and hopely the system will get better and puwede nating balansehin ‘yung pamilya at trabaho, nangangapa po tayong lahat,” simulang pahayag ng aktor.
“Ako wala po akong solusyon, I have to go to the flow but it really very challenging, it’s not easy to concentrate when you are missing your family, when you’re missing your house, missing your relation, of course you’re in an alien place so mahirap kasi work, work, work lang talaga but of course ‘yun pa ang hinihingi sa atin kaya ibibigay po natin ang makakaya po natin,” dagdag niya.
Pabor din sa lock-in taping si Ruby Ruiz na isa sa mga in-demand ngayon dahil sa pagkakapanalo niya bilang Best Actress sa nakaraang 2019 Cinemalaya Independent Film Festival para sa pelikulang “Iska” at nominado rin sa gaganaping Virtual Gawad Urian Awards 2020 ngayong gabi.
“Ako po gusto ko ‘yung lock in because I can focus sa trabaho. As a single mom pag hindi ako lock in, ang dami kong ginagawa when I’m at home.
“So pag lock in, talagang naka-focus lang ako sa trabaho at mind setting talaga kasi inisip ko ilang weeks kaming magkakasama so kailangan ma-assimilate ‘yung family like relationship na sa tingin o na-achieve naman namin ‘yun sa La Vida Lena cast and the production staff magaan, masaya kasi otherwise, maho-home sick ka talaga,” say ng aktres.
Ayon naman kay Christian Vasquez, “Same with tita Ruby gusto ko rin ‘yung system na ganito although may family ako, may daughter ako (mas gusto ang lock in) kasi nauubos ang time ko sa biyahe kasi I’m from the south so kailangan ko parati ng three hours na headstart, so para sa akin, okay ang ganito, it works on my favor.
“Tapos ‘yung masasanay ang industry, I think kailangan nating masanay kasi wala tayong choice. Parang sanay na nga ako kahit isang round palang kasi pinrogram ko na rin sa mind ko na kailangan ko na ring masanay, mahirap kapag hindi mo itinuro sa sarili mo na masanay,” paliwanag ng aktor.
Para naman kay Agot Isidro, “Tama naman sila, ako rin pabor dahil nga naka-focus ka, ‘yun lang ang gagawin mo tapos very organized naman sila (production) tapos kami naman alam na namin ‘yung schedule, na-repasahan namin ‘yung mga dialogue, mas focus ka talaga tapos may 12 hours na kailangan mong gawin lahat ng (gusto ko).
“So, parang nadidisiplina ka pa rin hindi ka puwedeng magpetik-petiks, pag sinabing on the set, on the set ka talaga. Tapos ‘yung cast and crew, the production ay hindi namin pinilit to get along to each other talagang masaya lang kaming nag-bonding.
“So, nakakagaan kasi three weeks nga, di ba? Tapos pamilya (turingan) madalas kang katukin tapos maraming abuloy na pagkain masaya kaya ako, I like it, I like my La Vida Lena family makes work easy, it doesn’t feel like working, masaya ‘yung grupo,” sabi pa ni Agot.
Iba naman ang katwiran ni Soliman Cruz dahil malaki raw ang natitipid niya sa bills ng kuryente kapag naka-lock in taping siya.
“Ako naman ‘yung lock in taping malaking tipid para sa akin kasi single father ako, so pumayag silang dalhin ko ‘yung anak ko (sa location), so ilang linggo rin kaming hindi nag-aircon, so tinanggal ko lahat ‘yung plug, ‘yung ref (refrigerator) ko hindi nakasaksak so ang baba ng kuryente ko ngayon tapos bumabaha ng pagkain (sa lock in),” kuwento ng aktor.
Say naman ni Janice de Belen, “Kung masasanay ba ang industriya (sa lock in) there are good parts and there are parts na siyempre uncomfortable for everybody siyempre pag naka-lock in taping ka, you miss the amenities that you have in your house kasi ako nami-miss ko ‘yung mga aso ko, nami’miss ko ‘yung kama ko, ‘yung banyo ko, ‘yung TV ko.
“But you’re there to work, so you have to adapt to the situation kasi ‘yun ang nangyayari and I think the advantage naman sa ganitong sitwasyon is because you only work for 12 hours, so you’re on your toes. So hindi ka puwedeng petiks-petiks, you have to be prepared. Importante okay ang mga kasama mo sa trabaho kasi kung hindi, baka mabaliw ka di ba? Importante ‘yun,” aniya pa.
Mapapanood na ang “La Vida Lena” sa Nob. 14 sa iWant TFC mula sa Dreamscape Entertainment sa direksyon nina Jerry Sineneng at Jojo Saguin.