Angelica may bagong dyowa na raw: Gusto ko na ‘yung life ko, wala na akong hihilingin pa

MAY bago na nga bang boyfriend ngayon ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban?

Mukhang in love na nga uli ang dalaga base na rin sa mga birthday message sa kanya ng mga kaibigan na bumati sa nakaraang episode ng online show niyang “Ask Angelica.”

Ilang malalapit sa aktres ang nagsalita at nagtanong sa segment ng “Tough 10” tungkol sa kanyang personal life at showbiz career.

At ilan nga sa mga ito ay nagparamdam about Angelica’s lovelife, wala mang diretsahang pagbanggit ng mga detalye, obvious sa kanilang birthday message para sa dalaga na may dyowa na uli ito.

“Okay na ako sa life ko. Kampante na ako. Relaxed na ako. Gusto ko na ‘yung life ko. Wala na akong hihilingin pa,” pahayag ni Angelica.

Sinagot din niya ang tanong ng kaibigan niyang si John Prats kung ano ba talaga ang “status” ng kanyang puso. Ani Angelica, “Kalmado ang puso ko ngayon.”

Sumingit naman ang isa pa niyang friend na si Sunshine Garcia, “Meron na bang nagpapatibok sa puso mo?”

Umiwas ang aktres sa tanong sabay pakita sa pusa niyang si Cindy at nag-dialogue ng, “Matagal nang tumitibok ‘yung puso ko dahil dito sa pusa ko!”

Sa tanong naman ni Vice Ganda kung sino sa mga kilalang celebrity ang nais niyang ma-link sa kanya, “Sa local, wala. Meron na ako!”

Bumati rin ang isa pang BFF ni Angelica na si Glaiza de Castro na nagpasalamat sa pagiging mabuting kaibigan nito sabay sabing, “Ngayon, hindi ka na mahihirapan dahil may nagki-care sa ‘yo. Basta, iyon na ‘yun! Masaya ako para sa ‘yo, amiga.”

At ang isa pang patunay na in love nga si Angge ay ang video message ng isa pa niyang kaibigan na si Kevin Samson.

Anito, “Alam ko naman you’re more than happy right now, kasi naniniwala ako na for every person na aalis sa buhay mo, even temporary lang, meron at merong ipapalit si Lord to make you even happier. And you deserve to be. That is an answered prayer for me.”

Ilan sa mga naging karelasyon ni Angelica sa showbiz ay sina Derek Ramsay, John Lloyd Cruz at Carlo Aquino.

Read more...