Iwa Moto naaksidente dahil sa drone; duguan ang kamay

TAKOT na takot ang pregnant mommy at dating Kapuso actress na si Iwa Moto matapos “maaksidente” nitong weekend dahil sa drone.

Talagang nag-alala siya nang todo para sa second child nila ni Pampi Lacson habang papunta sa ospital para ipagamot ang duguang kamay.

Ibinahagi ni Iwa sa kanyang Instagram followers ang nangyari kasabay ng pagpo-post ng litrato ng kanyang kamay na napuruhan nga ng kinukumpuning drone.

“Lord, thank you po and safe si baby,” simulang pahayag ni Iwa sa iniligay niyang caption.

Patuloy niyang paliwanag, “Was fixing the drone, and all of a sudden, it started taking off.

“And when I saw it destroying our stuff, I panicked and tried to grab it. Sadly, the propeller hit my hand,” aniya pa.

Hindi raw niya balak paliparin ang drone pero baka raw aksidente niyang napindot ang button kaya ito biglang umandar.

“There was so much blood so I panicked and started having contractions.

“I was so scared for my baby so I rushed myself to the hospital. Pampi then followed me (he was at our farm),” lahad pa ng nagdadalang-taong aktres.

Ipinost din niya sa IG ang sonogram ng kanilang anak bilang patunay na okay ang kundisyon nito.

Aniya sa caption, “Baby waving at us during my ultrasound yesterday. The baby was assuring me [that] he/she is fine.

“To the people who are asking, we still don’t know the gender. Ayaw malaman ni Pampi. Gusto niya surprise, so I decided to have a gender reveal ‘pag malapit na ako manganak,” aniya pa.

Read more...