Hirit ni Enchong habang ginugupitan ni Bea: Ate, medyo mabigat ang kamay n’yo

MAY bagong career si Bea Alonzo!

Noong kasagsagan ng lockdown ay sarado ang mga salon kaya kanya-kanyang effort ang lahat para gupitan ang mga sarili nila at ‘yung iba ay mga kaanak o asawa ang naggugupit sa kanila.

At dito naisip ni Bea na kaya rin niyang gawin iyon pero sino ang gugupitan niya? Minsan ginupitan niya ang fur baby niyang si Walter, pero nagalit kaya hindi na niya inulit.
Sa vlog ni Bea sa YouTube ay napapayag niya ang kaibigang aktor na si Enchong Dee na magpagupit sa kanya.

Sabi ng aktres, “I’ve always wanted to try cutting people’s hair and when I saw @Enchong Dee’s long locks, I asked him if I can cut and style his hair, and he agreed! Watch how it turned out! Shout out also to Brent Sales for guiding me the whole time.”

Inuna munang i-shampoo ni Bea ang buhok ni Enchong at nagkabiruan na, “Ate medyo mabigat ang kamay mo,” say ng binata, “Sir medyo may amoy ang hair n’yo, kelan po kayo huling nag-shampoo?” birong sabi naman ng aktres.

Tawa kami nang tawa dahil naipon sa portable lababo ang tubig na ipinangbanlaw muna ni Bea sa buhok ni Enchong bago ito lagyan ng shampoo na nahalata agad nito.

“Parang ‘yung water na ginamit mo, ‘yan din ang ginagamit mo pang pangbanlaw?” tanong nito.

“Nagtitipid po tayo dito sir, ay sorry kaya pala, hindi ko natanggal ‘yung sa drainage. Ha-hahaha!” natawang sabi ni Bea.

“Ah, so ‘yun din talaga ‘yung water, ha! Ha-hahaha,” tumawang sabi rin ni Enchong, “Sabi siguro ng mga buhok ko, wow finally, after one month nahugasan na ulit kami.”

Kinontak ni Bea ang kanyang hairstylist at nanlaki ang mga mata ng aktor sa narinig, “Kailangan ko lang ng assistance mo, I’m a fast learner alam ko kaya ko gawin ito.”

Tinanong ni Bea kung gaano kaimportante ang style ng buhok para kay Enchong na sinagot naman ng sibrang mahalaga dahil dito mo mare-represent ang sarili sa ibang tao.

“Napansin ko, mas maarte ang mga lalake sa buhok nila kaysa sa mga babae,” say ng aktres.

“Sa damit namin, wala naman kasing masyadong binabago, but the style of the hair makes everything different,” katwiran ng binata.

Inunang ginupitan ni Bea ang hairline sa batok ni Enchong, “Bakit ba ang mga lalaki, sobrang conscious sa hairline nila?”

“When I was in grade 5 or 6 naalala ko sinabi sa klase namin na, ‘hair is considered your crowning glory, so it adds a little bit of character.’ Wala naman kasi kaming masyadong accessory at choice ng damit so, it really just the hair, it really gives us the character and it gives us the attitude,” paliwanag ng aktor.

At pinuri ng binata ang kaibigan dahil maganda ‘yung magkabilang bahagi na ginupitan ni Bea, “I can do this for a living?”

“We’ll see, ah, let me be the judge of that,” sabi ng binata.
In fairness madali ngang matuto si Bea at aprub parati sa kanyang hairstylist at tinuturuan siya kung paano ang paghawak ng gunting dahil nawawala sa posisyon na baka iba angvmagupit at makatusok, pati na rin ang pagsuklay nito.

Nabanggit pa ng aktor, “Minsan gusto ko ring malaman ‘yung science behind it (paggugupit) kasi nakakatulog ako kasi nare-relax ako.”

“Bakit ngayon hindi ka nakakatulog?” tanong ng aktres.

“Bakit kaya?” balik tanong ni Enchong na ikinatawa ng kaibigan.

Natawa si Enchong nang makita ang resulta sa magkabilang tenga na nagupit na ni Bea, “Serena Dalrymple? (sabay pakita ng batang picture ng dating aktres sa video).” At natawa na rin ang aktres.

Nang matapos ang gupitan session  tuwang-tuwa naman sila dahil maganda ang resulta, “Oh my God! Ang guwapo mo,” sambit ni Bea sa kaibigan.

“I didn’t realize that it will end up like this,” saad ng aktor.

Sumasayaw naman sa tuwa si Bea, “Oh my God! Yes, yes, yes! I did it.”

“Oh my God! This is so cool, naiwan ‘yung curl. I’m so proud of you, I can’t believe it,” say ng binata.

“I’m so proud that you trusted me,” sabi naman ng dalaga.

“Well, hindi naman ako…never nag-doubt kasi alam ko namang alam mo ‘yung what looks good and what doesn’t look good to people,’’ sagot ni Enchong.

Dagdag pa ng binata, “Sana maulit ito with other clients.”

“Yey, puwede ko na siyang gawing career guys. Bea Salon is now open!” pagtatapos ni Bea.

Read more...