PARANG sinampal ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang ilang epal ba government official sa bago nitong viral hugot.
Muling naging trending ang pangalan ng batang alkalde nang ipagdiinan niyang walang utang na loob sa kanya ang mga kabataan ng Pasig.
Partikular na sinabi ito ni Mayor Vico sa mas dumarami pang scholars sa kanilang lungsod na pinayuhan niyang mag-aral nang mabuti para sa maganda nilang kinabukasan.
Sa kanyang Twitter account, ibinahagi ni Vico ang ilang kaganapan sa nangyaring general assembly ng Pasig scholars kamakalawa.
Dito masayang ibinalita ng anak nina Bossing Vic Sotto at Coney Reyes na umabot na sa 18,200 estudyante ang libreng pinaaaral ng Pasig habang may 50 pa silang bagong Arts and Design scholars.
“Night with the scholars… Pasig City Scholars’ G.A. (Batch 4)
“Highlights:
– record # of 18,200 scholars
– pilot 50 Arts & Design scholars
– relaxed rules this sem because of pandemic
– cash cards under process.. w QR code (for PasigPass and prepation for future Smart City use),” ang tweet ni Vico.
Sinundan nga ito ng mensahe niya para sa lahat ng mga estudyanteng libreng nakapag-aaral na walang utang na loob na dapat na tanawin ang mga ito sa mga opisyal ng pamahalaan.
“Laging tandaan na wala kayong utang na loob kahit kanino (lalo na sa politiko) dahil pera ito ng taumbayan.
“Na-a-appreciate ko naman kapag may nagpapasalamat sa kin pero naiilang ako dahil di ko pera to.
“Mag-aral lang kayo nang mabuti, sulit na ang investment ng Pasig sa inyo,” pahayag ng alkalde.
Iisa naman ang reaksyon ng mga netizens sa trending post ng mayor kahapon, sana raw lahat ng politiko ay tulad niya na talagang ibinabandera sa buong universe ang katotohanan at pawang katotohanan lamang.
Ayon sa ilang nagkomento, sana’y tamaan ang mga kapwa niya public servant na walang ginawa kundi ang umepal at magmalaki sa mga nagagawa nila para sa mga tao with matching photo pa at press release.
“Ito po ang tunay na public servant hindi ang iba diyan na puro paepal. Sana hndi ka sana mgbago mayor @VicoSotto. Tularan ka sana ng ibang opisyal na nglilingkod sa bayan.”
“Ang sarap pong isampal ang mga sinabi nyo sa mga epal na politiko. the students thanked you because you are a good steward of the people’s money. Other politicians are good stewards of their own pockets.”
“Buti pa ito si Mayor Vico, hindi tulad sa ibang pulitiko na parang utang na loob pa ng mga pilipino na nakapag pagawa sila ng ganito ganyan na parang pera nila yung ginamit dun.”
Yan ang ilan lamang sa mga komento ng netizens sa viral post ni Mayor Vico.
MOST READ
LATEST STORIES