ANO nga ba ang sikreto ng Kapuso actress-TV host na si Carmina Villarroel sa pagkakaroon ng healthy and youthful skin?
Sa kanyang recent YouTube vlog, ibinahagi ng “Sarap ‘Di Ba?” host ang ilang simple steps para sa kanyang skin care routine at ang kahalagahan ng pag-check ng skin type bago mamili ng products.
Ani Mina, “You have to know your skin type first. Kayo po ba ay dry skin, oily skin, sensitive skin, you have to know. And then kapag nalaman niyo na, that’s the time you buy your products.”
Mainam din daw na bumili muna ng products sa maliit na size o kaya ay humingi ng sample para i-test ang produkto. Kapag napatunayang effective at hiyang sa balat mo, saka bumili ng mas malaking size.
Bago maglagay ng skincare products, payo ni Carmina na siguraduhing malinis ang mukha, “Before I put anything on my face, I make sure na malinis po siya.”
Gumagamit din daw siya ng makeup remover wipes bago siya mag-facial wash. Ilan pa sa must-haves ni Carmina ang eye cream and lip balm na dala raw niya lagi sa set.
Samantala, napapanood pa rin si Carmina sa Saturday morning talk show na “Sarap, ‘Di Ba?” kung saan kasama niya ang kanyang twins na sina Mavy at Cassy at asawang si Zoren Legaspi. Abangan din si Carmina sa upcoming drama series na “Babawiin Ko Ang Lahat” sa GMA 7.
* * *
Ngayong gabi, papasok na sa ika-16 taon sa ere ang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS). Hindi lang trending at most awarded news magazine program sa bansa, ito na rin ang longest running news magazine program sa Pilipinas.
Sa ikatlong sunod na taon ay muling itinanghal ang KMJS bilang Best Infotainment Program sa Pilipinas ng prestihiyosong Asian Academy Creative Awards. Habang ang taunang Halloween Special naman nito na “Gabi ng Lagim” ay talagang pinag-usapan at muli na namang pasok sa mga top trending topic worldwide at sa Philippines sa Twitter.
Sa special episode nito ngayong Linggo, tampok ang eksklusibong panayam ng program host na si Jessica Soho kay Lorita Cadena, ang ina ng yumaong Pinoy vlogger na si Lloyd Cadena.
Sa kauna-unahang pagkakataon, ikukuwento ni “Kween Mother” ang mga nangyari nang tamaan ng COVID-19 ang kanyang anak. Ano rin kaya ang masasabi niya sa pinag-usapan niyang vlog kung saan narinig daw ang boses ni Lloyd?
Samantala, ang pinakahihintay na DNA results sa pagitan ng dalawang pares na mag-ina, kabilang na si Maribel na iniwan noong 1989 sa Divisoria at ng nagpapakilala niyang ina, ilalabas na. Sa double DNA test revelation, madodoble na rin kaya ang kanilang kaligayahan?
Kasama rin sa mga kuwentong dapat abangan ang kalagayan ng heritage structures sa Bicol na sinira ng bagyong Rolly; ang transformation ng isang dating borta na ngayo’y beauconera; ang makapigil-hiningang tangkang pagsagip sa tatlong taong gulang na batang nahulog sa balon sa Bataan; at ang pambihirang kuwento ng pag-ibig ng isang matandang dalaga na pinakasalan ng isang matandang binata.
Huwag palampasin ang Kapuso Mo, Jessica Soho,16 na taon na simula ngayong Linggo, 8:45 p.m. sa GMA.