ABS-CBN may patikim sa bagong pamaskong station ID

Ikaw ang Liwanag at Ligaya Teaser | Coming Soon!

Apatnapung araw bago ang Pasko, may patikim na ang ABS-CBN sa bagong Christmas station ID nito.

Ang 10 segundong teaser na naka-post sa YouTube channel ng media network ay may titulong “Ikaw ang Liwanag at Ligaya.”

Hindi sinabi kung kailan mapapanood ng buo ang station ID.

Naging tradisyon na ng ABS-CBN ang maglabas ng station ID tuwing Disyembre at ilan dito ay naging bahagi na ng awiting pamasko ng mga Pilipino.

Kabilang na dito ang “Bro, Ikaw Ang Star ng Pasko” (2009), “Thank You For The Love” (2015), at “Family is Love” (2018).

Ngunit ngayong taon lamang ekslusibong mapapanood ang Christmas station ID ng ABS-CBN sa digital space matapos na hindi bigyan ng Kamara de Representantes ang Kapamilya network ng bagong prangkisa para sa patuloy na operasyon ng mga istasyon nito ng radyo at telebisyon.

Read more...