Kampihan, bakbakan sa ‘Pares Kontra Pares’ round ng The Clash’

NAKUMPLETO na ang 16 contestants na magbabakbakan sa 3rd round ng “The Clash Season 3” na pinamagatang “Pares Kontra Pares.”

Matapos ang matinding labanan sa “Kakulay-Kalaban” round kung saan nakatapat nila ang kanilang mga kagrupo, 16 na lang ang sasabak sa next round na mapapanood na ngayong weekend.

Sa nakaraang episodes, ang mga grupong red at blue ang nagtagisan sa Clash Arena at ang napili nga para magpakitang-gilas this weekend ay sina Princess Vire, Larnie Cayabyab, Renz Robosa at Kenan Quitco.

Sa blue group naman, sina Niña Holmes, Sheemee Buenaobra, Cholo Bismonte, at Eygee De Vera ang pasok sa next round.

Makaka-join nila sa “Pares Kontra Pares” round sina Yuri Javier, Audrey Mortilla, Fritzie Magpoc, Jennie Gabriel, Jessica Villarubin, Aerone Mendoza, Kyle Pasajol at Shannen Montero.

Sa “Pares Kontra Pares”, kampihan ang labanan pero sa huli ay maaaring maging magkalaban ang dalawang contestant.

Kaya naman kailangan nilang pag-isipang mabuti ang kanilang gagamiting strategy para muling ma-impress ang Clash Panel na sina Ai Ai delas Alas, Christian Bautista at Pops Fernandez.

In fairness, bawat linggo ay talagang mas nagiging istrikto ang mga judges sa performance ng bawat Clasher. Ayaw nila ng basta-basta pagkanta lang, ang hinahanap nila ngayon ay yung maganda na ang boses at may dedikasyon at pagmamahal talaga sa musika.

Patuloy na subaybayan ang “The Clash” tuwing Sabado, 7:15 p.m., at Linggo, 7:45 p.m. sa GMA hosted by Julie Anne San Jose and Rayver Cruz with Journey Hosts Ken Chan and Rita Daniela.

Meron din itong livestreaming sa Facebook page at YouTube channel ng programa.

Read more...