IBA’T IBANG level ng emosyon ang umatake sa Kapuso TV host-actress na si Solenn Heussaff ngayong 2020 dulot ng COVID-19 pandemic.
Para sa misis ni Nico Bolzico, ang taong ito ang pinaka-challenging para sa kanya hindi lang bilang artista o TV host but also as a wife and a mother.
Pero kung may isang bagay na ipinagpapasalamat niya ngayong panahon ng pandemya, yan ay ang pagkakaroon ng napakaraming oras para maalagaan ang kanyang pamilya.
“May mga days na okay naman at may mga days na hindi okay. I think that’s all part of this 2020,” pahayag ni Solenn sa online show ng GMA na “Zoomustahan”.
Sabi pa ng “Taste Buddies” host, marami siyang natutunan about herself ngayong 2020 lalo na noong kasagsagan ng lockdown sa bansa at halos lahat ng tao ay nasa bahay lang.
“Marami akong natutunan sa sarili ko. May mga days na medyo down, yes may mga ups and downs, I think like everyone, unexpected year para sa ating lahat.
“Nagsabi nga ako kay Nico na miss ko na talaga mag-travel, miss ko na ang walang mask kahit sa labas lang ng bahay,” pag-amin pa niya.
Patuloy pa niyang kuwento, “Para sa akin malaking blessing in a weird way itong pandemic dahil hands at full-on ‘yung buong time ko para kay Thylane.
“Ako nagba-bathe sa kanya, ako nagpi-feed sa kanya, as in super hands-on ako. I’m really getting to know my daughter.
“I wouldn’t have had it any other way. Super happy ako na ‘yung buong first year of her life, nandoon talaga ako sa harap niya. Ako lang nakikita niya; ako at si Nico. I’m very happy about that,” lahad pa ni Solenn.
Samantala, simula ngayong Sabado (Nov. 7), may fresh episodes nang mapapanood sa “Taste Buddies” tampok ang iba’t ibang exciting food adventures sa new normal.
Sa panayam ng GMA kay Gil, ikinuwento niya na nakapag-taping na sila at excited siyang maipalabas na ang mga ito sa GMA News TV. Dagdag pa niya, masaya siya sa kanilang naging set-up for the new normal kahit hindi umano sila magkasama ni Solenn sa taping.
Aniya, “Kahit si Solenn, she wasn’t part that time, pero you know she’s enjoying her segment. We were still able to interact with each other. It’s completely new, but I guess I’m just really happy and excited that I have Taste Buddies again and that I get to tape and I get to host.”
Bukod sa kanilang fun episodes, dapat ding abangan ng viewers ang kanilang mga guest, “Taste Buddies is definitely back, we’re gonna be preparing different kinds of episodes for you guys.
“The way we’re gonna do things will be a little different siyempre with the given situation right now, ‘di ba? So we’re gonna make those small changes but we hope that you guys will tune in and love Taste Buddies,” saad ng Kapuso star.
Abangan sina Solenn at Gil sa fresh episodes ng “Taste Buddies” simula bukas, 8:45 p.m. sa GMA News TV.